BILANG tugon ng GMA 7 sa requests ng fans, muling magbabalik sa fantasy adventure series na “Daig Kayo Ng Lola Ko” si phenomenal star Maine Mendoza. Last May 27, napanood siya sa second guesting niya sa show hosted by Ms. Gloria Romero, sa episode na “Laura Patola.” Nag-trending ang episode at within one hour, nakakuha ito ng more than 1 million tweets.
Pero not only one, but four episodes ang ini-offer ng GMA kay Maine for the whole month of July, titled “The Adventures of Laura Patola & Du-wen-ding” na isang weekly magical anthology na action packed every Sunday. Nagpasalamat si Maine sa offer ng GMA dahil matagal na raw itong hiling ng fans niya at ng AlDub Nation na sana ay makapag-guest naman siya sa ibang shows ng GMA 7, hindi lamang sa “Eat Bulaga.”
Muling makakasama ni Maine si Baeby Baste as Duwen-ding at noong Linggo, July 1, napanood ang simula ng 4-part special ng adventure ni Laura Patola, sa direksiyon ni Rico Gutierrez, 6:55 pm pagkatapos ng “Amazing Earth” ni Dingdong Dantes.
NETIZEN ‘NAKORYENTE’ SA MALING PAGSUSUMBONG
LAST Thursday, inilabas na ng GMA Network ang buong costume ni Alden Richards para sa kanyang action-drama-fantasy series na “Victor Magtanggol.” Natuwa ang fans at pinuri ang costume, at may nag-comment na para raw palang si Thor si Alden. Kaya nang araw ring iyon kumalat agad sa social media ang sulat ng isang fan sa Marvel, laban sa GMA at sa “Victor Magtanggol:”
“Marvel, I just want to let you know that one of the major TV networks (GMA Network) in the Philippines copied the story and concept of Thor. I want you to file a case against GMA Network. The title of GMA Network upcoming series is Victor Magtanggol.
Do some actions right now and consult your lawyers about it. Copyright is a form of intellectual property, your property stolen by GMA Network.”
Pero mukhang mali ang nasulatan ng kung sino mang fan na ito dahil sinagot siya agad ng Marvel PH.
Part ng sagot ng Marvel PH, “We’d like to reiterate and emphasized that our page is NOT owned NOR affiliated with Marvel, its entertainment di-vision, and the like. The page was created to build an avenue for Filipino Marvel fans to interact with each other. The page is also NON-PROFIT – and we’d like to keep it that way, forever.
In line with this, we are NOT suing anyone, and we have no future intentions to do so. This is FAKE NEWS.
Fellow Marvel fans, help us spread the REAL story.”
Sa aming pagtatanong kung may kasalanan ngang ginawa ang GMA Network, ang “Thor” daw is a public domain kaya walang problema, hindi na nila kailangang humingi ng permission. Ganyan din daw ang ginawa ng mga nag-question sa GMA nang gawin nila ang “Alyas Robin Hood” na isinumbong sila sa Arrow, pero iyon din, ang “Robin Hood” is a public domain kaya walang napala ang nag-question.
Kaya sa susunod, mag-isip muna bago magsumbong!
Comments are closed.