SINABI ni Maine Mendoza na siya ay nakakontrata for life sa kanyang tatay-tatayan na si Vic Sotto na kasama niya sa GMA sitcom na “Daddy’s Gurl.”
Katunayan, bagama’t may mga offer sa kanya, nanatiling prayoridad daw niya si Bossing. Kaya’t kung may proyekto raw sila, hindi na siya nagdadalawang-isip pa.
“Kasi may kontrata po talaga kami, 10-year contract,” pagbibiro niya.
Muling magsasama ang dalawa sa MMFF entry na Mission Unstapabol: The Don Identity. Ito bale ang ikatlong movie nila together na every time raw ay nilo-look forward niya.
Aniya, masaya raw siya na lagi siyang kinukuha ni Bossing kapag may role o pelikulang babagay sa kanya.
“Siyempre, masaya ako. Kasi lagi pa rin akong pinipili, lagi ko siyang nakakasama. Ako naman, thankful naman ako sa lahat ng projects na ibinibigay sa akin and everytime na may opportunity to work with him outside sa “Bulaga.” Ayun, very thankful ako na ako pa rin,” sey ni Maine.
Sa Mission Unstopabol: The Don Identity ay kakaibang Maine Mendoza raw naman ang mapanonood at masaya naman ang dalaga na nabibigyan siya ng pagkakataon na gumanap ng iba’t ibang roles at sana raw ay magtuloy ang mga ganitong oportunidad.
“Sana, ‘yung mga hindi ko pa nagagawa before and ‘yung hindi ine-expect ng tao sa akin. Siguro, more on edgy roles in the future. ‘Yung tipong super matsa-challenge din ako. Siguro, konting comedy lang muna, kasi nasanay na ang mga tao na everyday, nakikita ‘yun sa show namin. Sana, ‘yung mga hindi ko pa nagagawa,” she said.
Pero ani Maine, kahit maraming beses na silang nagkatrabaho ni Bossing Vic, talagang hindi pa rin nawawala ang pagka-starstruck niya rito.
“Saka, sobrang hanggang ngayon, nai-intimidate pa rin ako.Hindi ko pa rin siya mabati nang kaswal. Kasi, feeling ko, kasi. . .Vic Sotto ‘yun. Pero sobrang bait naman po niya sa akin,” pahayag ni Maine.
Matagal na rin namang inaabangan ng kanilang AlDub fans ang muli nilang pagsasama sa isang proyekto kaya naman isa rin sa naitanong sa Phenomenal Star kung may chance pa ba na mapanood sila together sa isang project.
Ayon kay Maine ay very much willing siya of course na gumawa ng project with Alden.
“’Antayin lang natin ‘yung tamang panahon and tamang materyal,” ani Maine.
Kung sakali rin daw kasi, baka hindi raw niya ito matutukan dahil pareho silang abala ni Alden sa kanilang respective careers.
“So far, wala pa pong offer. Kasi marami rin yatang naka-line-up sa kanya rin and sa ‘kin din. So, siguro, separate ways muna kasi chance rin ‘yun for us to grow and maraming makilala, maraming ma-experience,”esplika niya.
Parehong endorser ng Mc Donald’s sina Maine at Alden at pareho rin silang may franchise ng nasabing fastfood pero nilinaw niya na hindi raw nakikipagpaligsahan sa paramihan ng outlets sa dating loveteam partner.
“Ay, hindi naman po. Siyempre, kaligayahan namin ang success ng isa’t isa,” pagtatapos niya.
Sa action-adventure na Mission Unstapabol: The Don Identity, ginagampanan niya ang role ni Donna Cruz, isang computer hacker na naging katuwang ni Don Robert Fortun (Vic Sotto) sa pagbawi ng kayamanang Pearl of the Orient Seas sa kanyang ganid na kapatid.
Kasama niya sa misyong ito sina Don Zulueta (Pokwang), Don Johnson (Jake Cuenca) at Don Kikong(Jelson Bay).
Join din sa cast nito sina Jose Manalo at Wally Bayola.
Mula sa produksiyon ng APT Entertainment at M-Zet Productions at sa direksiyon ni Mike Tuviera, ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay kalahok sa ika-45 na edisyon ng MMFF.
Comments are closed.