YOUNGER sister ang turing ni Marian Rivera kay Maine Mendoza. Magkapatid ang turingan nilang dalawa kaya huwag nang lagyan ng malisya or intrigahin ang dalawa.
Pinayuhan nga ni Marian si Maine na maging matatag at matibay ang sikmura dahil kung hindi raw ay baka bumaligtad siya at kailangan daw ay i-enjoy ang tinatamasang tagumpay. Lagi raw tandaan ni Meng na maraming nagmamahal sa kanya.
Ang masasabi lang ni Marian sa mga taong gusto silang pag-awayin ay natawa at dedma lang ito dahil ‘di raw mangyayari ‘yun.
Magkasama sina Maine at Marian na kinuhang endorser at sinabi ni Marian sa mga gusto silang pag-awayin ay isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Yan kay Meng, tanda na walang puwedeng sumira sa turingan nila bilang magkapatid.
“Mag-ate po talaga kami. As in privately nag-uusap pa kami ‘yung mga bagay na feeling ko kailangan ng advice from someone from showbiz talaga. Feeling ko kasi maiintindihan niya rin siyempre dahil nagdaan din siya rito,” katuwiran naman ni Maine.
“Siya po ‘yung mga una kong taong ka-close. Tulad nga ng sinasabi ko, sobrang as in many conversation kasi mahahaba ‘yung replies at chika-chika talaga so nakatutuwa kasi hindi ko in-expect na magiging ganu’n ‘yung relationship namin,” patuloy pa ng Phenomenal Star.
Samantala, ibinalita na rin ni Maine na tapos na nila ang shooting ng Jack Em Poy: The Puliscredibles na isa sa mapalad na entry sa MMFF 2018 kung saan kasama niya sina Vic Sotto at Coco Martin.
“Katatapos lang po last Sunday. Mixed emotions po ako kasi masaya ako na finally tapos na pero malungkot din ako kasi finally tapos na, kakalungkot.”
All praises si Maine sa kanyang leading man na si Coco.
“Sobrang bait po, sobrang gentleman, sobrang lambing at ganu’n po siya sa lahat ng tao sa set,” aniya.
KYLINE ALCANTARA AT PAULINE MENDOZA PINAG-AAWAY NG FANS
NAGTATAKA si Pauline Mendoza kung bakit daw tinalakan ng fans ni Kylnie Alcantara ang kanyang mga fans.
“Nakarating po kasi sa akin na tinalakan at sinigawan ng fans ni Kyline ang fans ko sa PMPC Star Awards for TV kamakailan. Nandoon po kasi ang fans ko kahit na hindi ako nakarating sa awards night,” say ni Pauline nang makausap namin sa thanksgiving party niya na ginanap sa Music 21 last Saturday.
Magkaaway ba sila ni Kyline kaya ganoon na lang ang himutok ng fans nito sa kanyang fans?
“Wala naman kaming away ni Kyline. Okey naman po kami. Actually, pupunta po talaga ako sa awards night, pero biglang may nangyari na hindi ko puwedeng sabihin kaya hindi na ako nakarating sa awards night.
“Masayang-masaya po talaga ako na nominate ako kahit na nag-uumpisa pa lang po ako sa showbiz. Isang karangalan na po ‘yun sa akin kahit hindi ako ang nanalo,” say pa ni Pauline
Nagpapasalamat si Pauline sa PMPC na napansin ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Ganoon din sa GMA Artist Center na nangangalaga ng kanyang showbiz career.
Tsika pa ni Pauline, naka-five days na raw sila ng taping ng Abel at Cain. Super bait nga raw ni Dingdong sa kanilang lahat sa taping. At happy siya na nakilala pa rin siya ni Dingdong dahil nagkasama na sila sa Alas na pinagbidahan ni Dong noon sa GMA 7.
“Nagulat nga po talaga ako dahil kilala pa po ako ni Kuya Dingdong. Akala ko makakalimutan na niya ako. Ganoon din po si Ate Marian (Rivera). Gusto ko pong lapitan at batiin si Ate Marian pero nahihiya po ako. Nagulat ako nang tawagin niya ako at tawagin ang aking pangalan. Napanonood po pala niya ako sa Alas noon kaya kilala niya ako,” nakangiting say pa ni Pauline.