MALABO yatang makapagbakasyon si phenomenal star Maine Mendoza for Christmas. Hindi pa rin kasi tapos ang work niya para sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles,” entry ng CCM Film Productions, M-Zet Productions at APT Entertainment sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa Christmas Day, December 25, in cinemas nationwide.
Sa Sunday kasi, kasama pa siya sa parade of stars. At sa December 26, simula na pala ng sunod-sunod na block screenings ng movie, organized ng mga fans ni Maine at ng AlDub Nation, at nag-promise si Maine na dadaluhan niya lahat ito. Kaya parang bitin namang umalis siya ng dalawang araw lamang para magbakasyon, dahil sa January 1, live na muli ang “Eat Bulaga” at kailangang present na ang lahat ng Dabarkads.
Mabilis nga palang nagpasalamat at nag-tweet si Maine na nabigyan sila ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at mabilis na ni-retweet ng mga netizen.
ARIEL AT GELLI EXCITED NA MA-REUNITE SA MGA ANAK SA CANADA
WHITE Christmas si Gelli de Belen umalis sila kagabi for Toronto, Canada. Excited na silang mag-asawa na makasama muli ang mga anak na sina Joaquin, 20, at Julio 18, na nag-aaral doon, pareho na silang nasa college.
“Si Joaquin ay first year na sa Aviation course niya, si Julio, tungkol sa kinetics,” kuwento ni Gelli. “Mahilig kasing mag-travel si Joaquin kaya iyon ang course na kinuha niya para raw lagi siyang nagta-travel nang libre kapag tapos na siya.”
Hindi ba mahirap na malayo sa kanila ang dalawang anak?
“Hindi naman, dahil palagay ang loob namin ni Ariel, naroon ang mga in-laws ko ang parents ni Ariel, mga kapatid niya, na nagga-guide sa dalawang bata. Saka ang ganda ng technology natin, ang daling makipag-communicate sa kanila, anytime puwede mo silang makita at makausap sa Skype. Twice or thrice a year, pumupunta kami sa kanila, sila once a year naman umuuwi rito. Hindi namin kinalilimutang paaalalahanan sila at i-inject what is essential habang lumalaki sila. At pareho pa rin silang marunong magsalita ng Tagalog.”
Sa Christmas, hindi raw naman sila lalabas, bonding lamang silang mag-anak at family ni Ariel sa bahay. Ang hirap daw kasing lumabas dahil puro snow lamang ang makikita mo. Hindi mo ii-enjoy mamasyal.
Friday, December 21, last taping day nila ng “Ika-5 Utos” na dinidirek ni Laurice Guillen, babalik sina Gelli ng January 2, 2019 dahil may taping na sila ng January 3.
KIRAY CELIS INIINTRIGA ANG PAGLIPAT SA KAPUSO
BAKIT naman kinukwestiyon kung bakit kinuha ng Kapuso Network si Kiray Celis na dating Kapamilya? Mahusay na komedyana si Kiray at pinatunayan na niya ito sa mga pelikulang ginawa niya.
Pumirma ng contract kahapon si Kiray sa GMA Artist Center at official na siyang isang Kapuso. May project na siyang sisimulan agad, ang rom com serye na “Luv U 2” na kasama niya ang dalawang sikat at mahuhusay na Kapuso actors, sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa first team up nila, for early 2019.