WALA yatang kapaguran this week si phenomenal star Maine Mendoza, tapings and photo shoots, at daily appearance sa “Eat Bulaga,” na today, isi-celebrate nila ang Mother’s Day at special guests nila ang mga celebrity moms.
Tuesdays ang taping ni Maine ng sitcom nila ni Vic Sotto ng “Daddy’s Gurl,” after ng “Pepito Manaloto,” sila with special guest Solemn Heussaff.
Two days din this week, after ng EB live, na-taping sila ng two episodes na mapapanood sa election day, May 13, at sa Tuesday, May 14.
Sunday, special guest si Maine sa “Sunday Pinasaya” ang number one Sunday noontime show sa GMA 7. Matagal na siyang niri-request ng fans na mag-guest doon at ngayon ay napagbigyan na niya.
Last Wednesday, na-excite si Maine nang siya ang imbitahin ng “The Boobay and Tekla Show” para sa kanilang Mother’s Day, Sunday, May 12.
“Napapanood ko na po ang “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) at tawang-tawa ako sa mga episodes nila kaya natuwa ako nang sabihing maggi-guest ako sa show nila,” sabi ni Maine. “Nakakasama ko na rin po sila sa “Eat Bulaga” pag nagi-guest sila, pero iba ang kanilang show, at natuwa ako nang sa segment nilang “Pranking In Tandem” ako inilagay. Pero ang hirap magpigil ng pagtawa. Kaya thankful po ako kina Boobay at Super Tekla, na naging very supportive sa akin during the taping.”
Natuwa rin ang staff ng show dahil ipinakita ni Maine ang wacky side niya when she tries to pull a prank on a group of artista hopefuls.
Guests din sa TBATS this Sunday, sina Jeric Gonzales at David Licauco na mapapanood pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”
KAPUSO PRESENTS STUDIO 7 IN NEW YORK
KAHAPON naman ang “Kapuso Presents Studio 7: Musikalye sa Brooklyn,” sa Kings Theater in Brooklyn, New York, at 7:00PM New York time. Magkakasamang magpe-perform sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Canedo, Betong Sumaya at special guest si Alden Richards. Ang show ay handog ng GMA Pinoy TV at dinidirek ni Mark Reyes.
Babalik din sila after the show dahil pare-pareho silang may mga iniwang commitment dito, isa na si Alden na pagbalik ay haharapin na ang post-production ng “Hello, Love, Goodbye” ang first movie team up nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema.
TANDEM NINA BIANCA AT MIGUEL MAY KANYA-KANYANG TEAM NA
MAY nabuo nang Team Ahmad at Team Jordan ang mga netizens na sumusubaybay sa top rating epic serye na “Sahaya.” Ang Badjaw na si Ahmad ay si Miguel Tanfelix ang leading man ni Sahaya played by Bianca Umali. Ang Manilenyong si Jordan ay si Migo Adecer, StarStruck 6 grand winner, actor, recording artist at ngayon ay isa sa inaabangan sa “Sahaya” lalo na at nagsimula na ang labanan nila ni Ahmad sa pag-ibig ni Sahaya. Siyempre, si Miguel, napatunayan na niyang isa siyang mahusay na actor.
Kaya tiyak na ikatutuwa ni Migo ang comment na ito ni @joyousjoyen1801 “Maraming mga baguhang actor, mga guwapo pero ‘di lahat magaling mag-deliver ng dialogue at ‘yun ang meron si Migo, magaling mag-deliver at ang acting okey. At kung iwo-workshop pa ‘yan, lalo pang gagaling @gmanetwork @artistcenter.”
Ang “Sahaya” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Kara Mia” sa GMA 7.
Comments are closed.