MAINE NAGPA-TATTOO SA KALINGA LEGEND APO WHANG OD

showbiz eyeMATAPANG magpa-tattoo si phenomenal star Maine Mendoza, kaya hindi kami magtataka kung nagpa-tattoo siya kay Apo Whang Od. Caption ni Maine sa kanyang Instagram wall: “Kalinga’s 102-year old tattoo legend – the last and the oldest mambabatok of her tribe – Apo Whang Od.”

Nasa Sagada ang grupo nina Maine at Paolo Ballesteros, para sa taping ng kanilang Lenten Special episode sa “Eat Bulaga,” kaya na-meet nila si Apo Whang Od. May post din si Maine na nilalagyan ng tattoo ni Apo Whang Od si Paolo. Pero a different experience iyon kay Maine na may post na karga siya ng dalawang lalaki habang sakay ng duyan na parang kumot (blanket) at umaakyat sila pataas ng bundok.  Hindi pa nagbibigay ng story ang “Eat Bulaga” kung ano ang tema ng kanilang episode.

Nakatakda nang bumalik ng Manila ang grupo nina Senator Tito Sotto, Ruby Rodriguez, Anjo Yllana, Maureen Wroblewitz at sina Maine at Paulo nga.

Umalis naman sina Alden Richards, Pia Guanio, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Baste at Joey de Leon, last Wednesday for Davao and Gen San para sa taping ng kanilang Special Lenten episode.  Nakabalik na sina Vic Sotto, Pauleen Luna, Jose Manalo, Allan K, Jimmy Santos at Ryzza Mae Dizon na sa Japan nag-taping.

MARIAN RIVERA-DANTES NATUPAD ANG WISH

NA MAGING HOUSEWIFE AND MOTHER

MARIAN-DINGDONGWALANG kupas ang beauty ni Marian Rivera-Dantes kahit nagbibilang na lamang siya ng araw sa pagsisilang ng kanilang ba-by boy ni Dingdong Dantes.  April talaga ang date niya with the stork kaya si Marian, nasa bahay na lamang, ganoon din si Ding-dong na ready na anytime sa pagsisilang ng asawa.

Noon pa hindi na tumatanggap ng ibang work si Dingdong, at kapag nag-taping naman siya ng spiels ng “Tadhana” bilang ka-palit muna ni Marian as host, two or three episodes na ang tini-tape niya.  Maganda rin na tapos na ang classes ng panganay nilang si Zia kaya lagi na lamang silang magkakasama sa bahay.

Sabi nga this time, natupad na ang wish ni Marian na maging isang housewife and mother dahil lagi pa rin siyang naroon para sa kanyang mag-ama, habang hinihintay ang bagong member ng kanilang family.

MIGO ADECER TULOY ANG TAPING SA SAHAYA

MIGO ADECERANG isang ina, hindi talaga matitiis ang kanyang anak.  Sa nangyari kamakailan kay StarStruck batch 6 winner na si Migo Adecer, biglaang duma­ting sa bansa ang kanyang ina. Labis daw nag-alala ang family ni Migo na naka-base sa Australia nang mal-amang lumabag ito sa traffic rule at nakulong.  Iyak daw nang iyak ang mommy ni Migo at inasikaso agad ang pagbalik niya ng Fi­lipinas para damayan si Migo.

Mag-isa lamang naninirahan si Migo rito after niyang manalo sa StarStruck at dumadalaw lamang siya sa family niya sa Aus-tralia kung may break siya sa work. At 19, sabi ni Migo noong minsang nakausap namin siya, kaya naman niyang mamuhay mag-isa pero siguradong after ng nangyari sa kanya, ang una niyang gustong makita ay ang ina.  Kaya naman ang higpit nang yakapan ng mag-ina nang bigla itong dumating sa kanyang condominium unit.

Sa ngayon ay tuloy pa rin si Migo sa pagti-taping ng “Sahaya” at magsisimula na rin siyang mag-shooting ng “Black Lipstick” na makakasama niya sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa.

Comments are closed.