SA gitna ng mainit na usapin sa dagsang Chinese students sa bansa, partikular sa Northern Luzon, nilinaw ni Foreign Affairs Usec for Civilian Security and Consular Affairs Jesus “Gary’ Domingo na maingat ang proseso nila sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhang nais magtungo sa bansa.
Hindi, aniya, sila nagbibigay ng visa kung kulang ang requirements habang may iba’t ibang requirements ang bawat uri ng visa na inia-apply ng mga dayuhan.
Nilinaw rin ng opisyal na magkaiba ang function ng DFA at Bureau of Immigration at iginiit na ang visa ay nagmumula sa DFA habang ang pagpasok ng dayuhan sa bansa ay ang BI na ang bahala kung magpapalit ng status ng visa.
Kabilang naman sa mga pagbabago sa issuance ng visa ay dapat maipagkaloob ng applicant ang bank and employment certificate, kung turista dapat ay may sapat na dokumento gaya ng air fare ticket at hotel reservation.
Samantala, sa mga Chinese ay nagkakaroon ng problema sa komunikasyon at pagbabayad dahil magkaibang sistema.
Ngunit ginagawan na ito ng paraan para sa maayos na transaksiyon sa pag-iisyu ng visa.