MAINIT NA HANGIN PAPASOK NGAYONG SEMANA SANTA

PATULOY  ang paghina ng malamig na panahon ngayong weekend dahil magsisimula naman na maramdaman ang mainit na hanging silangan mula sa Dagat Pasipiko.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaring sa Lunes ay magsisimula nang maramdaman ang mainit na hanging silangan.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na patuloy na mananaig sa Hilagang Luzon ang amihan bukas hanggang sa Linggo.

Inaasahan na matatapos na ito pagpasok ng Semana Santa, na mas maaga kumpara noong nakaraang taon dahil sa nararanasang El Niño.

Sa pagtatapos ng amihan ang pagpasok naman ng panahon na tag-init.
Samantala, inaasahang magiging maulap sa Batanes at Cagayan na may mahinang pag-ulan.

Mahinang ulan din ang maaring maranasan dahil sa amihan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia