Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – San Beda vs Letran (Men)
12 noon – San Beda vs Letran (Women)
2 p.m. – EAC vs Perpetual (Women)
4:30 p.m. – EAC vs Perpetual (Men)
KUMANA si Gayle Pascual ng MVP-like numbers sa 20-25, 25-22, 25-13, 25-11 pagdispatsa ng College of Saint Benilde sa San Sebastian para matikas na simulan ang kanilang title-retention campaign sa NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.
Si Pascual ang naging main option ng Lady Blazers sa hindi paglalaro ni Season 97 MVP Mycah Go sa buong kumpetisyon dahil sa ACL injury na kanyang tinamo sa isang tune-up match noong nakaraang buwan.
Nag-init si last year’s Finals MVP, Pascual, nagpakawala ng 21-of-33 attacks at gumawa ng 3 blocks at 2 service aces upang tumapos na may career-high 26 points na sinamahan ng 9 digs upang pangunahan ang Benilde.
Napantayan ni Michelle Gamit ang 3 blocks ni Pascual upang tumapos na may 12 points habang nag-ambag si Cristy Ondangan ng 11 points para sa Lady Blazers.
Sinamahan ng Arellano University ang Benilde sa ibabaw ng standings kasunod ng 25-18, 25-20, 25-23 sweep sa Jose Rizal University.
Bukod sa paggawa ng 20 excellent sets, si skipper Cloanne Mondoñedo ang second best attacker ng Lady Blazers sa one-hour, 30-minute match, kumonekta ng 8-of-12 spikes.
Kinuha ng Lady Stags ang opening set sa likod ni last season’s top rookie Kat Santos at lumaban sa second set bago natalo upang makatabla ang katunggali.
Ipinamalas ng Benilde ang kanilang championship form sa sumunod na dalawang sets upang mamayani.
Gumawa si Santos ng 3 service aces para sa 17-point outing, nag-ambag si KJ Dionisio ng 13 points, 9 receptions at 8 digs, habang umiskor sina Tina Marasigan at Amaka Tan ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para sa San Sebastian.
Sumandig ang Lady Chiefs, nanalo ng tatlong sunod na korona bago natalo sa Lady Blazers sa Finals noong nakaraang season, kay rookie Laika Tudlasan, na nagpakawala ng 23 points, kabilang ang 3 service aces, kung saan kinailangan lamang nila ng one-hour at 23 minutes para dispatsahin ang Lady Bombers.