Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – UP vs FEU (Men)
12 noon – UP vs FEU (Women)
2 p.m. – UST vs DLSU (Women)
4 p.m. – UST vs DLSU (Men)
NAGBIGAY ng mensahe ang National University sa back-to-back title-retention campaign nito sa 25-15, 25-20, 25-16 panalo kontra Ateneo sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nagtala si Alyssa Solomon ng 10-of-19 kills upang tumapos na may 12 points habang nagdagdag si Cess Robles ng 11 points sa 10-of-14 attacks at nakakolekta ng 8 digs para sa Lady Bulldogs na nahila ang kanilang winning streak sa 17 games magmula sa perfect run noong nakaraang taon.
“Malaking bagay sa amin ‘yung parang fresh start kasi kami eh. Ang mindset na muna namin ‘yun pa rin, every game pa rin mula last season hanggang sa nag champion kami and ngayon panibago na ulit,” sabi ni NU second-year coach Karl Dimaculangan.
Ginawang kapana-panabik ng Blue Eagles ang laro sa huling bahagi ng third set, naisalba ang 5 match points bago tapusin ng service error ni Faith Nisperos mula sa momentum-busting Lady Bulldogs timeout ang one-hour, 31-minute match.
Susunod na makakaharap ng NU ang Adamson, na namayani sa University of the East sa curtain raiser, 25-19, 25-9, 25-5, sa Miyerkoles.
Pinakawalan ang kanyang bagong arsenal sa service area, si reigning MVP Mhicaela Belen ay may 2 aces para sa eight-point outing na sinamahan ng 5 receptions, gumawa si setter Lams Lamina ng 17 excellent sets habang nakakolekta si libero Jen Nierva ng 11 digs at 7 receptions.
Nag-ambag sina middle blockers Sheena Toring at Erin Pangilinan, na kumuha sa puwestong iniwan ni Ivy Lacsina na naging pro noong nakaraang taon, ng tig-7 points para sa Lady Bulldogs.
“Happy kami na nakikita namin kung ano ‘yung pinagtitrainingan namin at naaapply namin sa game pero hindi kami magse-settle kasi marami pa rin kaming dapat i-improve,” sabi ni Solomon.
Nalimitahan ng Lady Falcons ang Lady Warriors sa 5 points sa third set, napantayan ang second all-time lowest output sa isang set. Ang Far Eastern University ay umiskor din ng 5 points lamang sa opening set ng 5-25, 23-25, 23-25 defeat sa La Salle noong March 8, 2017.
Ang panalo ng Lady Falcons ay nagbigay kay Jerry Yee ng winning return sa liga. Dating hinawakan ni Yee ang University of the Philippines noong 2015-17, tampok ang Season 78 Final Four stint.
Nanguna si Lucille Almonte para sa Adamson na may 12 points, kabilang ang 2 blocks at 8 digs, habang tumipa si Trisha Tubu ng 11 points sa kanyang debut. Gumawa si Louie Romero ng 14 excellent sets at napantayan ang 2 blocks ni Almonte.
Nagtala sina Ja Lana at KC Cepada ng tig-7 points para sa Lady Warriors.