MARAMING pamilya na ang apektado sa dagdag-presyo ng mga bilihin tulad ng bigas. Kaya naman naghahanap ang mga mamimili ng patok ngayon bilang alternatibo rito.
Sa isang pamilihan sa Quezon City, patok ang root crops para sa mga pamilyang hirap ipasok sa kanilang budget ang bigas tulad ng mga sumusunod: kamoteng kahoy – P20 kada kilo; gabi – P20 kada kilo; kamoteng baging – P40 kada kilo; saging na saba – P5 kada piraso mais – P30 hanggang P50 kada kilo.
Bukod sa mura, masustansiya pa at masagana sa bitamina ang mga ito. Puwede pang mag-eksperimento na ang root crops ay gawin ding alternatibo para sa mga carbohydrate-rich na pagkain tulad ng noodles.
“Puwede po ‘yang gawin noodles, meron pong mga variety na ganun at mapoproseso po itong kamoteng kahoy, matutuyo, gagawing harina,” pahayag ng isang nagtitinda.
Ayon naman sa isang magsasaka, makatutulong din sa kanila ang pagtangkilik sa root crops.