‘MAISMAN’ NA PULIS NANAWAGAN SA DA

LAGUNA – NANAWAGAN ang isang pulis na tinaguriang ‘Maisman” sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) kaugnay ng sitwasyon ng mga magmamais sa Laguna.

Partikular na tinukoy ang bayan ng Calauan kung saan karamihan ng mga magsasaka ay umaasa sa pagtatanim ng mais kabilang si alias “Maisman” na si PSMS Ricky Gonzales, miyembro ng Laguna PNP, residente ng Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.

Aniya, matagal na nitong hanapbuhay sa nakalipas na mahigit na 10 taon ang mamuhunan sa pagtatanim ng mais sa ilang ektarya nitong sakahan sa kabila ng pagiging isang pulis.

Ayon sa kanya, mula ng magpandemya, nagtuloy tuloy ang kanilang pagkalugi at hindi na nakabawi pang muli sa kanilang puhunan na dapat mapagtuunan ito ng pansin ng DA.

Hindi na rin magawa pang makapagtinda kasunod ang tuluyang pagbagsak ng presyo na umabot na halos sa P4 ang isang piraso mula sa dating P8 dahil sa pandemya.

Dahil dito, tulad din ng nakaraang taon, ipinamahagi nito ang bahagi ng mga inaning mais sa mga ka-Barangay.

Nasa 20 piraso ng mais ang ibinigay nito sa bawa’t pamilya bukod pa sa mga kaibigan at kasamahang mga pulis na magsisilbing karagdagan nilang pagkain. DICK GARAY

84 thoughts on “‘MAISMAN’ NA PULIS NANAWAGAN SA DA”

  1. 862854 843577Right after examine a couple of of the weblog posts on your website now, and I truly like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and shall be checking once again soon. Pls try my website online as well and let me know what you believe. 724377

Comments are closed.