MAY kasabihang kapag nanganganak ang babae, nasa hukay na ang isa niyang paa. Napatunayan ito ni Maja Salvador matapos mag-labor ng 30 hours bago naisilang si Baby Maria.
Naubusan umano ng dugo si Maja kaya kinailangang salinan siya. Pero sulit umano ang lahat ng hirap niya nang makita niya ang kanyang baby.
Matapos mailabas si baby Maria, nagkaroon si Maja ng uterine inversion, kaya kinailangang ibalik siya sa operating room para sa agarang operasyon upang maiwasan ang pagdurugo. Gising naman daw si Maja nang mga sandaling iyon ngunit ubos na ubos na lakas ang lakas niya kaya ipinabahala na lamang niya sa Diyos at sa mga duktor ang buhay niya. Wala raw siyang naramdamang takot dahil pagod na nga siya, pero ang asawa niyang si Rambo Nuñez pala ang hindi magkandatuto sa pagdarasal dahil sa pag-alala sa kanyang kaligtasan.
Right now, ini-enjoy na nilang mag-asawa ang pagkakaroon ng isang Baby Maria. A very ideal family life indeed. Binago raw talaga ng bagong silang nilang anak ang pananaw nilang mag-asawa sa buhay.
Eerie umano ang feeling na muntik nang mamatay si Maja sa panganganak, pero kahit ibalik pa ang oras, gugustuhin pa rin niyang magbuntis at ipanganak si baby Maria kahit pa manganib uli ang kanyang buhay. RLVN