MAJA SALVADOR NAG-INVEST SA RESTO BUSINESS

MAJA SALVADOR

KAHIT hindi pa tapos sa kursong Business Administration kung saan enrolled sa AMA Computer entra eksenaCollege noong 2016 si Maja Salvador, ay ‘di sinayang ng actress-dancer ang kaalaman sa pagnenegosyo.

Sa katunayan, may i­lang pinagsososyohang resto si Maja at marami na rin itong investments kabilang na ang bahay at townhouse at mamahaling luxury cars na ‘yung isa ay madalas niyang gamitin sa kanyang showbiz commitments.

“Mayroon po akong mga investments at may mga business din tayo sa mga restaurants. I have made several investments and gone into the restaurant business too.”

Pak!

RADIO/TV PERSONALITY/ENTREPRENEUR YVONNE BENAVIDEZ

LABAN SA MALALAKING DRUG FIRMS

EARLY 2000 nang itayo ni Madam Yvonne Benavidez, ang kanyang kompanya na maker ng kilala na ngayong brand ng Vitamin C capsule na Mega C. At ang unang endorser na kinuha ni Madam Yvonne ay ang King of Talk na si Kuya Boy Abunda na sinundan ng marami pang celebrity endorsers na ang latest ay ang recording artist na si Gabriela na sumikat noon sa kantang “Natatawa Ako,” na ni-revive ni K Brosas. At pinatotohanan ni Gabriela na tuwing nakakainom siya ng regular ng 2 capsule a day ng Mega C ay always on the go siya at matibay at ‘di sumusuko pagdating sa mga puyatan lalo na kapag may out-of-town shows ito.

Kaya naman lumalaban na talaga ngayon sa malalaking drug companies si Madam Yvonne na in the near future ay maglalabas ng mga bagong produkto sa pag-aari ng MEGA-C. At ang goal pala ng nasabing Radio/TV personality/entrepreneur ay makapagpatayo ng chapel hindi lang dahil sa God-fearing person siya kundi para sa mga kababayan niya para matuto ng salita ng Diyos.

By the way, tuloy pa rin ang pakontes at promo ng Mega C para sa lahat. Puwede kayong manalo ng up to P1,000,000, mag-subscribe lang sa kanilang Online Store promote to 5 of your friends and receive 1 raffle ticket.  Napakada­ling sumali linggo-linggo ay may mananalo ng P10,000 up to P1,000,000. Kaya subscribe na at huwag niyong kalimutang i-share ang iyong link na makikita sa iyong Mega C Online Account. Click this link be-Low & register for free–https://mega-c.com/account/

PLASTIC NI JUAN NA GINAWANG CLASSROOM CHAIRS

NG EB TULONG SA PUBLIC SCHOOLS SA BUONG BANSA

 NASA 145 plastic chairs na naman na may lagayan ng libro at iba pang gamit-eskuwela ang naipamahagi ng Eat Bulaga  kamakailan sa Payapa Elementary School sa Balagtas Bulacan. Matagal nang proyekto ng number one noontime variety show sa Mega Manila ang “Plastic Ni Juan,” na maliban sa nakapagbibigay sila ng upuan na gawa sa plastic bottles at iba pang plastic na gamit ay nakakatulong pa silang maging malinis at iwas-baha ang maraming barangay sa Metro Manila.

Madalas ay truck-truck na empty plastic bottles ang nakokolekta ng EB Team mula sa iba’t ibang lugar na talaga namang kapaki-pakinabang.