MAJOR ROADS SA CAR, REGION I AND 2 AT SA CEBU SARADO NA

WALONG national road sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang sarado sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa malalim na tubig baha, mga natumbang puno ng kahoy, at putik dulot ng dalawang bagyong  Maring at Nando, ayon sa report sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa impormas­yon, apat sa Region 1, dalawa sa Region 2, at isa sa Region 7, na kinabibilangan ng Kennon road sa may K016 Camp 1 sa Tuba Benguet, Baguio Bontoc road, kalahati ng Paoay Tunnel sa may section Catubo, Atok Benguet Asin-Nangalisan – San Pascual-La Union Boundary, Apayao-Ilocos Norte road at sa lalawigang ng Cebu.

Sarado rin sa mga motorista ang Manila North road sa may Barangay Sacuya Santa at ang tulay sa Bayugao, Sta Cruz, Ilocos Sur bunsod sa pagkasira ng tulay dahil sa pagguho ng lupa, San Gabriel at Luna-Bangar sa may Lan Union road dulot ng malalim tubig baha, at ang Rosario-Pugo sa may Barangay Ambalite.

Agad nagpadala ang DPWH Cordillera Bureau of Maintenance ng mga tauhan at mga heavy equipment  na gagamitin sa isasagawang rehabilitasyon sa apektadong daan.

Patuloy  rin ang rehabilitasyon ng mga apektadong daan sa Region 2, kabilang ang  Baybayog-Baggao-Dalun-Sta. Margarita Road, Abusag Overflow Bridge, K0543+382 sa Cagayan at  Cabagan-Sta. Maria sa Isabela matapos mag-overflow ang tulay na nag-uugnay sa dalawang munsipyo.  FROILAN MORALLOS

2 thoughts on “MAJOR ROADS SA CAR, REGION I AND 2 AT SA CEBU SARADO NA”

Comments are closed.