HIGIT na magiging mabagsik ang kakayahan ng Philippine Navy (PN) flagship BRP Gregorio Del Pilar (FF-15) matapos na sumailalim sa iba’t ibang communications, weapons, and fire-control upgrades habang sumasailalim sa pagkukumpuni sa sirang natamo nito makaraang sumadsad sa Hasa-Hasa (Half-Moon) Shoal noong Agosto 29.
Kinumpirma ito ni Navy spokesperson Commander Jonathan Zata nang hingan ito ng updates sa BRP Gregorio del Pilar.
Ayon kay Zata, agad nilang ibabalik ang frigate sa operational status oras na magdatingan na ang mga piyesa at mga kagamitan na magmumula pa sa ibang bansa.
Magugunitang hinatak ang nasabing flag ship ng Hukbong Dagat mula sa pagkakasadsad nito sa Hasa-Hasa Shoal noong Sept. 3 at dinala sa Subic Bay, Zambales, matapos ang tatlong araw.
Ang BRP Gregorio Del Pilar ay isa sa tatlong Hamilton-class cutters na nakuha ng PN mula sa United States Coast Guard na ginawang frigates.
Ang mga nasabing barkong pandigma ay pawang may gross tonnage na 3,250 tons, habang 378 feet, beam of 43 feet, and drop of 15 feet habang ang propulsion systems nito ay binubuo ng dalawang diesel engines at dalawang gas turbine engines, at may top speed of 29 knots. VERLIN RUIZ
Comments are closed.