INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Makati ang makabagong tourism-oriented na pagseserbisyo publiko na ang layunin ay ang maiangat pa ang bilang ng mga indibidwal na bibisita sa tourist spots ng lungsod.
Ang MakaTurismo website na inilunsad ng lokal na pamahalaan ay ginanap sa Museo ng Makati sa Barangay Poblacion na pinangunahan ni Makati City 2nd District Rep. Luis Campos na kabiyak ni Makati City Mayor Abby Binay at siya ring namuno sa ribbon cutting ng bagong tourist information center sa naturang pasilidad.
Napag-alaman sa lokal na pamahalaan na ang MakaTurismo ay binuo upang makatawag pansin sa publiko at mga turista na bumibisita sa lungsod pati na rin sa mga establisimiyento na itinalaga bilang mga heritage sites.
Layunin din nito na gawin ang Makati hindi lamang bilang isang business at lifestyle hub kundi bilang isa ring centerpoint of kasaysayan, kultura culture at sining.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Binay na makikita sa Museo ng Makati ang iba’t-ibang archeological artifacts, earthenware, rare photographs, dioramas at murals na nagtataglay ng mayamang kasaysayan ng Makati City.
Ayon kay Binay, mayroon pang limang istraktura sa lungsod na idineklarang Important Cultural Properties ng ANtional Museum of the Philippines (NMP) na kinabibilangan ng Church Complex of San Pedro y San Pablo (St. Peter and Paul Church Complex) na matatagpuan sa Poblacion; Church Complex of Nuestra Señora de Gracia sa Guadalupe Viejo; Ermita de San Nicolas de Tolentino sa West Rembo; Passenger Terminal and Control Tower sa lumang Nielson Airport; at Makati Stock Exchange Building ng National Artist Leandro Locsin sa Bel-Air.
Idinagdag ni Binay na maglalagay din ng historical markers sa mga nabanggit na lugar para mas madaling mapuna ng publiko ang kanilang cultural, artistic, at historical significance ng lungsod at ng Pilipinas.
Bukod pa sa mga lugar na kinilala ng NMP, sinabi pa ni Binay na ipinasa na rin ng lokal na pamahalaan ang isang ordinansa na magbibigay proteksyon at magmimintina ng mga nabanggit na historical sites at para madagdagan pa ang kaalaman sa mga destinasyon ng turismo sa lungsod ay bumisita lamang sa www.makaturismo.ph. MARIVIC FERNANDEZ