TINUTULAN ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ang panawagang tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ilang mambabatas ang nanawagang ilipat ang pondo ng NTF-ELCAC sa COVID-19 response ng pamahalaan matapos na i-red tag ang ilang organizers ng mga nagsulputang community pantries sa bansa.
Ayon kay Torres-Gomez, hindi tamang hakbang ang pag-defund sa ahensiya dahil lamang sa isyu ng red-tagging.
Sa halip, dapat aniyang sumentro ang bansa sa mas malawak na perspektibo lalo pa’t mas malaking hamon ang kinaka-harap ng mga Filipino ngayong may pandemya.
Binigyang-diin ng lady solon na kung aalisin ang kakayahan ng NTF-ELCAC ay makaaapekto ito sa matagumpay na laban ng gobyerno sa insurgency.
Aniya, ang P16 billion na pondo ng NTF-ELCAC na inilaan sa Barangay Development Program ay nakatulong para sa pagbangon ng mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan at sa pagkamit ng kapayapaan sa mga probinsya.
Para sa kongresista, maaari namang suportahan ang mga community pantry habang patuloy ang mga programa para sa kapayapaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.
Iginiit pa ni Torres-Gomez na dapat magkaroon ng makatuwirang hakbang na hindi makaaapekto sa mga localized program na magwawakas sa matagal na problema sa insurgency ng bansa. CONDE BATAC
17630 586142I like your writing style genuinely loving this internet website . 974358