KUNG mayroong isang bagay na naituro ang pandemyang COVID-19 sa mga negosyante, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, ito ay ang pangangailangan ng pagbabago sa sistema ng pagpapatakbo ng negosyo.
Kung nais ng isang negosyo na magpatuloy sa operasyon, kailangang sumunod sa agos ng buhay ngayong panahon ng pandemya. Bunsod ng mga ipinatutupad na restriksyon ng pamahalaan bilang bahagi ng pagkontrol sa pagkalat ng virus, limitado rin ang pagkilos ng mga mamamayan. Kung hindi babaguhin ng mga negosyo ang kanilang sistema upang maiakma sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, tiyak na ito ay magreresulta sa tuluyang pagkalugi at paghinto ng operasyon.
Kaugnay ng bagong hamon na ito, pinangasiwaan ng Management Association of the Philippines ang MAP 2021 International CEO Conference. Ito ay isang virtual na pagtitipon-tipon ng mga CEO/lider mula sa iba’t ibang bansa. Sa idinaos na conference ay ibinahagi nila ang mga bagong pamamaraan sa pagpapatakbo ng negosyo na sa tingin nila’y akma upang tayo ay makapamuhay nang normal sa kabila ng pandemya. Payo ng mga miyembro ng MAP, kailangan ng mga makabagong ideya at mamuhunan sa digitization upang malampasan ang pandemyang ito at ang mga susunod pa. Kailangang tanggapin na hindi na tayo babalik sa dating pamamaraan gaya noong bago binalot ng pandemya ang mundo.
Ayon kay MAP National Issues Committee chairperson Riza Mantaring, kinakailangang pagtuunan ng pansin ng mga negosyo ang digitization dahil iyan ang kinakailangan sa kasalukuyan. Hindi natin maitatanggi na binago na ng pandemya ang ating buhay. Dagdag pa ni Mantaring, ngayon higit kailanman, kailangang pahalagahan ng mga negosyo ang kanilang mga empleyado at ang mga stakeholder nito. Kailangang siguraduhin na nabibigyan din ang mga ito ng sapat na suporta upang malampasan nang sama-sama ang hamon ng pandemyang COVID-19.
Naging matinding hamon din para sa mga utility company sa bansa ang pandemyang COVID-19. Upang patuloy na makapaghatid ng mataas na kalidad ng serbisyo sa mga konsyumer habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng mga ito, samu’t saring makabagong pamamaraan din ang ipinatupad ng mga ito gaya ng Meralco.
Mula nang magsimula ang pandemyang COVID-19 sa bansa, kaisa na ng pamahalaan ang Meralco sa laban kontra rito. Kasabay ng bagong normal ay nagbago rin ang prayoridad ng kompanya. Ito ay ang siguruhing maaasahan at tuloy-tuloy ang supply ng koryente ng mga customer ngayong panahon ng pandemya. Batid ang kahalagahan ng serbisyo ng koryente sa bagong normal, sa pamumuno ni Meralco President Atty. Ray C. Espinosa, inilunsad ng Meralco ang kampanya nitong #keepingthelightson.
Bagaman nananatiling bukas ang mga Meralco business center sa kabila ng pandemya at ng mahigpit na uri ng community quarantine, siniguro ng kompanya na maaari pa ring makipag-ugnayan ang mga customer ukol sa kanilang mga katanungan at mga concern kahit na sila ay nasa kani-kanilang bahay lamang. Upang matugunan ang pagdami ng mga tawag na natatanggap ng aming 24/7 customer hotline noong nakaraang taon, dinagdagan ng Meralco ang kapasidad ng kanilang customer care group upang masiguro na ang bawat customer na tatawag sa aming customer hotline sa bilang na 16211 ay tiyak na may makakausap.
Inilunsad din ng Meralco ang Online Customer Appointment (OCA). Ito ay maaaring i-access ng customer mula sa opisyal na website ng Meralco, Meralco Online, at Meralco app. Upang maiwasan ang mahabang pila sa mga business center, maaari nang magtakda ng schedule ang customer kung kailan ito bibisita sa business center. Tiyak na mas maginhawa para sa mga customer dahil hawak pa rin nila ang kanilang oras. Isinasaayos na rin ng Meralco ang paglulunsad ng online video conferencing na magbibigay ng pagkakataon sa customer na makipag-usap sa mga customer care representative ng Meralco mula sa kanilang sariling tahanan.
Para sa mas ligtas na pakikipag-ugnayan ng mga customer na nagpasiyang bumisita sa business center, mayroon ding opsiyon na gamitin ang aming Virtual Customers Assistant (VCA) system. Sa ilalim ng opsiyon na ito, makakausap ng customer ang Meralco customer care assistant na nagtatrabaho mula sa bahay sa pamamagitan ng video call.
Pinaigting din ng Meralco ang mga programa nitong online upang matulungan ang mga customer na pangasiwaan ang kanilang konsumo. Bago pa man nagsimula ang pandemyang COVID-19, tumatakbo na ang mga online na programa ng Meralco gaya ng Bright Ideas, Orange Tag, at Appliance Calculator. Ang mga nabanggit ay makikita sa opisyal na website ng Meralco at sa Meralco app. Maaari ring makapagbayad ang mga customer online sa pamamagitan ng mga Meralco Online at Meralco App.
Hinikayat din ng Meralco ang mga customer nito na mag-update ng kanilang mga contact details sa pamamagitan ng Meralco Online kung nais nilang makatanggap ng mga update mula sa kompanya. Kasama sa mga update na ipadadala ng Meralco ay ang paalala ukol sa bills, kompirmasyon ng bayad, at iba pang mga anunsyo.
Ang mga pagbabagong ito gamit ang modernong teknolohiya ay inaasahang magiging malaking tulong sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga customer sa pakikipag-ugnayan sa Meralco. Mula sa kanilang mga bahay ay maaari pa rin nilang maipahatid ang kanilang mensahe at katanungan para sa kompanya.
Bukod sa mga pagbabagong makatutulong sa mga customer, naglunsad din ng mga bagong teknolohiya ang Meralco na mas makapagpapabilis ng trabaho ng mga empleyado at mas makapagpapabuti ng kalidad ng trabaho ng mga ito. Isang halimbawa ay ang meter reading app na malaking tulong sa ruta ng mga meter reader. Sa pamamagitan din ng nasabing app ay malalaman ng meter reader kung ang kanyang reading na naitala ay masyadong mababa o masyadong mataas kompara sa nakaraang reading. Sa ganitong paraan, mas nakatitiyak ang meter reader na tama ang naitala nyang reading mula sa metro ng customer.
Bagaman nananatiling suspendido ang operasyon ng Meralco sa pagpuputol ng serbisyo ng koryente ng mga customer na hindi nakababayad ng bill sa tamang oras, naglunsad pa rin ang kompanya ng app na maaaring gamitin ng mga crew na nagsasagawa ng disconnection. Upang maiwasan ang tinatawag na “salisi” o ang pagkaputol ng serbisyo ng koryente sa mismong araw ng pagbabayad ng customer ng kanilang bill, ang mga crew ay mayroon nang magagamit na real-time payment validation app. Sa pamamagitan ng app na ito, makukumpirma ng crew kung ano ang tunay na estado ng account ng customer sa mismong oras ng pagpunta nito sa bahay ng customer.
Ang mismong pagpapatupad ng mga pagbabago sa sistema ng pagpapatakbo ng negosyo alinsunod sa kinakailangan ngayong bagong normal ay nananatiling isang matinding hamon. Kakaibang hamon din ang pagpapabuti ng serbisyo sa mga customer gamit ang makabagong teknolohiya. Kinakailangan ng magandang istratehiya at maayos na sistema kung paano maaaring gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga negosyo sa kabila ng pandemya. Ang mga ito ay maituturing na magandang panimula na maaaring sundan at mas mapaiigting ng mga susunod na henerasyon.
923671 162209Discover how to deal with your domain get in touch with details and registration. Understand domain namelocking and Exclusive domain name Registration. 628082
792978 520409An attention-grabbing dialogue is value comment. Im positive that its better to write on this subject, towards the often be a taboo subject but typically persons are not sufficient to speak on such topics. To yet another location. Cheers 147961
853380 104440This kind of lovely weblog youve, glad I found it!?? 289613
534071 933338Thanks for the auspicious writeup. It actually used to be a leisure account it. Glance complicated to more delivered agreeable from you! Nevertheless, how can we be in contact? 687325
495580 485915As I site possessor I believe the content material matter here is rattling amazing , appreciate it for your efforts. You need to maintain it up forever! Very best of luck. 837835
632954 4142TeenVogue? Seeking for fashion advice, celebrity buzz or beauty trends? Uncover it all in Teen Vogue 166296
766342 341143Hi there! Good post! Please do inform us when we could see a follow up! 325401
288156 500581I need to admit that that is 1 fantastic insight. It surely gives a company the opportunity to have in about the ground floor and truly take part in producing a thing special and tailored to their needs. 501977