IPRINISINTA ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga modernong kagamitan na ginawa ng ahensiya upang masigurong ligtas ang inihahandang mga pagkain sa mga stall.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na gumawa ng makabagong pamamaraan ang kanilang research and development institutes gayundin ang ilang unibersidad na nagsagawa ng masusing pag-aaral sa usapin ng food security.
“We at the DOST have placed food safety as one of top priorities for decades. From food processing, to the development of guidelines and grading systems for local establishments, among many other projects, we want to ensure that we enable the best quality when it comes to the food we produce and consume,” pahayag ni dela Peña.
Kabilang sa ipinakitang makabagong teknolohiya at serbisyo ng DOST ay ang tinatawag na Integrated Food Safety Program, kung saan nakatuon ang pagsasagawa ng implementasyon ng iba’t ibang uri ng proyekto at national food safety concerns; Packaging Technology for food products katulad ng Retort Pouch Packaging, High Barrier Packaging Technology and Ready-To-Eat Meals for disaster response.
Ang Plasma Technology for Non-Thermal Sterilization of Food Products, Packaging at contact surface sa Food Processing na gumagamit ng plasma para matiyak na germ-free ang mga produktong pagkain.
Ilan pa sa ipinakita ay ang Dip Stick Project na kung saan maiiwasan ang pagkakaroon o pagpasok ng salmonella sa pagkain; Quixens-rapid, accurate, cost-efficient, highly selective and sensitive, portable kit for E. Coli.
Ang Sanitary Food Cart na gawa sa food grade material para mapanatiling mainit ang pagkain at maiwasan ang banta ng food-borne illness mula sa mga street food.
Gayundin ang Food Safety Consultancy Program na naglalaan ng technical services sa mga nagnanais sumunod sa food safety standards ng pamahalaan.
“DOST will remain at the forefront of using Science and Technology to serve the public and ensure that the food they buy from restaurants or from stores are not only nutrition but also safe to eat,” dagdag pa ng DOST chief. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.