Makakalaya ba si Sally Ujano?

Hinatulan na si child rights and anti-human trafficking advocate, Maria Salome Crisostomo Ujano ngayong May 16, kaugnay ng kasong rebelyon laban sa kanya, sa Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 266.

Nakulong si Ujano, 66, noong November 14, 2021 ngunit nag-plead ‘not guilty’ siya sa akusasyong isa siya sa matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at may kinalaman sap ag-ambus sa dalawang military sa Quezon province noong 2005. Natala siya bilang Criminal Case No. 148404.

Pansamantalang nakalaya si Urjano noong December 29, 2022 matapos magbayad ng piyansa, ngunit tumatakbo pa rin ang kaso. Kung mapawawalang-sala siya, abangan na lamang natin ang susunod na kabanata. NLVN