(Makakapagpasok ng P300-B kita) HALAL EXPORT INDUSTRY PALAKASIN

Alan Peter Cayetano

DAPAT pursigihin ng pamahalaan ang pagpapalakas sa Halal export industry lalo’t malaki ang potensiyal nito na maka-pagpasok ng P300 bilyong kita, na kinakailangan para  mapalakas ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ang binigyang-diin ni dating Speaker at Taguig City 1st. Dist.-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kung saan sinabi niya na maaaring maipakilala nang husto at tangkilin kapwa ang food at non-food Halal certified products mula sa Pilipinas sa Southeast Asia, Middle East at European countries.

“Napakarami pa po ng pagkakataon, whether food or non-food items. Sa Halal certification, kung papasa ka at maaayos po, napakalaking industriya po nito,” sabi pa ng mambabatas.

Ani Cayetano, noong  2018, ang Halal exports ng bansa ay nagkakahalaga ng USD560 milyon o halos P300 bilyon at sa gitna ng pandemyang nararanasan ay naniniwala siyang marami pang oportunidad para sa expansion o pagpapalawak ng export sector.

“It could really be a good (source of) livelihood at pampaganda ng ekonomiya ng isang bansa na talagang tutukan ‘yung proseso para ma-certify (na Halal),” pagbibigay-diin ng lider ng tinaguriang Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso bloc.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha kamakailan ay nagsagawa ng Sampung Libong Pag-Asa program ang grupo ni Cayetano para sa iba’t ibang Muslim communities sa bansa.

Umaasa si Cayetano na ang perang ayuda na naipamahagi nila ay magagamit ng daang-daang benepisyaryo bilang puhunan sa kanilang Halal livelihood at iba pang maliit na negosyo. ROMER R. BUTUYAN

13 thoughts on “(Makakapagpasok ng P300-B kita) HALAL EXPORT INDUSTRY PALAKASIN”

Comments are closed.