NEGROS ORIENTAL– NILIKIDA ng hindi pa nakikilalang gunman ang isang lalaki na nagsisilbi umanong military informant at isa pang kasama nito sa loob mismo ng kanilang bahay sa Purok Hayahay, Barangay Calindangan sa Dumaguete City.
Ayon sa Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO), patay sa pamamaril si Lori De Jesus na sinasabing isang informant ng military intelligence group sa Central Visayas at kasama niyang si Mark Anthony Booc, 39-anyos.
Sinalakay ng mga hindi pa nakikilalang suspek at tinambangan ang dalawa habang nasa loob ng bahay alas-9:30 ng gabi noong Miyerkoles.
Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang.
Nakuha ng mga tauhan ng NOPPO-Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.
Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso matapos na may nakuha ring sachets na may shabu residue at mga drug paraphernalia sa crime scene. VERLIN RUIZ
Comments are closed.