CAMP AGUINALDO – INAMIN ni National Task Force for COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na posibleng hindi agad tanggalin ang enchanced community quaratine (ECQ) sa Abril 30, petsa ng pagtatapos nito.
Sa halip, ayon kay Galvez, ay maaring unti-untti o gradual ang pag-aalis ng ECQ o kaya naman ay palakasin pa.
Paliwanag ni Galvez, daraan muna sa assessment sa lahat ng lugar sa buong Luzon kung maari nang tanggtalin ito kaya magkakaroon ng selection priocess.
Aniya, depende sa sitwasyon ng lugar at rami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Kung nananatili aniyang malala ang kaso sa isang lugar ay posibleng hindi na muna tanggalin ang ECQ at magpatuloy ito .
“Posibleng gradual o calibrated lifting ang maganap makaraan ang Abril 30 at magiging selected areas lamang,” ayon kay Galvez.
Samantala, mistulang pinuri ni Galvez ang Cordillera Administrative Region partikular sa Baguio City na bumuti ang lugar.
Kaya naman nanawagan ang opisyal sa publiko na kung nais na magwakas ang ECQ ay tumulong na mapigil ang paglawak ng kaso ng COVID-19, dapat aniya ay sumunod sa utos gaya ng pananatili sa tahanan at umiwas sa sakit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM