BUMABA ang tourist arrival sa Boracay matapos na ikasa ang NCR Plus bubble.
Ipinabatid ni Felix Delos Santos, Jr., Malay Municipal Tourism Officer, na nasa 228 na lamang ang turistang dumating sa Boracay noong Lunes, Marso 22.
Sinabi ni Delos Santos na maraming nakanselang bookings ng mga turista patungong Boracay makaraang pigilan ng Civil Aeronautics Board ang lahat ng leisure flights alinsunod sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr).
Ang mga turista mula sa Metro Manila at mga katabing lalawigan ang mga nangungunang bumibisita sa Boracay simula nang buksan ito para sa domestic tourism noong Oktubre 2020.
Sa ilalim ng NCR Plus bubble policy, ang mga residente ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna ay hindi maaaring lumabas ng NCR Plus border maliban na lamang kung ito’y isang essential trip tulad ng pagpasok sa trabaho.
Ipinagbabawal din sa NCR Plus bubble restriction ang mga tao sa labas ng bubble na pumasok sa lugar maliban na lamang kung ito’y isang essential trip.
Comments are closed.