(Makaraang mag-oathtaking) BAGONG MUNICIPAL ADMIN INAMBUS

Napoleon Hernandez

ISABELA – PINAGBABARIL hanggang mamatay ang da­ting board member o bokal na katatalaga lamang bilang municipal administrator sa bayan ng San Mateo.

Ang biktima na si Napoleon “Nap” Hernandez, 59-anyos, ay pauwi na sa kanilang tahanan nang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Dagupan.

Ang nabanggit na biktima ay kagagaling lang sa oathtaking ng mga bagong halal na mga opisyal sa nabanggit na bayan nang tambangan sa sasakyan.

Kasama nito sa loob ng sasakyan ang kanyang asawa na si Placida Hernandez at hindi na­damay sa pamamaril, ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng baril sa dibdib.

Habang nilalapatan ng lunas ay agad binawian ng buhay si Hernandez.

Tiniyak ng pulisya na umiiral na ang hot pursuit operation upang madakip ang mga suspek na sa kasalukuyan ay wala pang pagka­kakilanlan. IRENE GONZALES

One thought on “(Makaraang mag-oathtaking) BAGONG MUNICIPAL ADMIN INAMBUS”

  1. 376391 480109Locate out these pointers read on and learn to know how to submit an application performing this that you policy your corporation today. alertpay 143247

Comments are closed.