FERRARI, YOSI MACHINE WINASAK NG BOC

luxury car

MAYNILA – WINASAK sa pamamagitan ng bulldozer ng Bureau of Customs (BOC) ang isang luxury car na Ferrari, 12 unit ng cigarette making machine at mahigit isang libong master cases ng iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo sa BOC Compound, Port Area.

Idineklara umano bilang gamit sa auto spare parts ang luxury car na Ferrari na dumating sa Port of Manila noong Mayo 13.

Sinabi ni Office of the Special Assistant to the President, Undersecretary Jesus Melchor Quitain, na inabandona na wala ng mga pintuan ang luxury car na nagkakahalaga umano ng P7 milyon habang ang cigartte making machine at pekeng sigarilyo ay nagkakahalaga naman ng P150 milyon.

Nasabat ito noong Pebrero taong kasalukuyan ng mga tauhan ng BOC Enforcement and Security Services mula sa isang bodega sa Barangay Bagacay, Tacloban City, makaraang mabigong magdeklara ng tamang buwis.

Ayon sa BOC, magsilbi sanang babala sa publiko ang ginawang hakbang ng ahensiya sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at nagpupuslit ng undeclared na mga mamahaling sasakyan, na hindi ito palulusutin ng custom maging ang ibang may iba pang binabalak upang matakasan lamang ang pagbabayad ng buwis. PAUL ROLDAN

Comments are closed.