MAKATI CITY HALL EMPLOYEES MAY P3K ANNIVERSARY BONUS

Makati City hall

AABOTVsa 7,310 empleyado ng Makati City hall ang makatatanggap ng P3,000 bilang anniversary bonus sa darating na Lunes (Hunyo 22) kaugnay sa selebrasyon ng ika-350 taon ng Araw ng Makati.

Sinabi ni Makati City Mayor Abigail ‘Abby’ Binay na sa nabanggit na bilang ng mga empleyado, 3,425 dito ay mga regular na empleyado, 3,876 ang mga casuals, samantalang siyam naman ang contractual na ang bawat isa ay magkakaroon ng P3,000 na anniversary bonus dahil sa kanilang pananatiling maaasahan na katambal sa pagbibigay serbisyo sa lungsod.

“Eto ang aming simpleng paraan ng pagbabalik sa kabutihang nagawa ng aming mga maaasahang empleyado sa pagbibigay ng serbisyo sa aming konstituwente sa mga nagdaang panahon. Pinahahalagahan namin kung paano sila tumugon sa kanilang mga trabaho sa panahon ng pandemya na ito na kanilang inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili,” ani Binay.

Dahil sa pandemya na idinulot ng coronavirus disease (COVID-19), sinabi ni Binay na ang lahat ng aktibidad na nakaiskedyul para sa selebrasyon ng anibersaryo ng lungsod ay kanya ng kinansela.

Noon lamang nakaraang Abril, ang lokal na pamahalaan ay binigyan ng awtorisasyon ng konseho na maglabas ng pondo na nagkakahalaga ng P124,453,000 sa ilalim ng isang ordinansa upang mapondohan ang hazard pay at special risk allowance ng lahat ng kuwalipikadong frontli­ners sa lungsod na pumapasok sa trabaho habang nakapailalim sa enhance community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.