SASABAK ang Makati FC sa JSSL Singapore Academy 7’s 2023 sa April 7-9.
Nakatakdang umalis ang delegasyon sa Huwebes ng umaga kung saan higit sa 150 players ang lalahok sa girls at boys 7-15 year old divisions.
Ito ang ika-7 taon na sasali ang Makati FC sa premier youth football championship sa Asia.
Determinado ang Makati FC na kunin ang overall champion “Paul Parker” Trophy ngayong taon para sa ikalawang pagkakataon at una magmula noong 2018.
Ang JSSL Singapore Professional Academy 7’s ay tinatampukan ng young talent ng mahigit 450 teams sa 17 bansa. Kabilang sa young athletes na sasabak ang talented kids mula sa mga lalawigan sa buong bansa na pinili para lumahok sa prestihiyosong club upang palakasin ang mga koponan.
Ang Makati FC ay gumanap ng mahalagang papel sa paghubog ng mga batang football athlete sa bansa magmula noong 1976, kung saan pinasimulan ni Tomas Lozano, dating Real Madrid FC player, ang youth football sa bansa.