MAKATI FC SUMUNGKIT NG 4 TITULO SA CUP NO. 1 TILT SA DENMARK

football-1

DINOMINA ng Makati FC ang Cup No. 1 sa Frederikshavn, Denmark makaraang magkampeon ang lahat ng apat na koponan nito sa pagtatapos ng four-day tournament noong Biyernes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa 39-taong kasaysayan ng Cup No. 1 na winalis ng isang youth club ang kumpetisyon.

Naghari ang Makati FC sa Boys 11 division makaraang pataubin ang Denmark’s Hobro IK, 3-0, sa Final, naiganti ang kanilang 1-2 defeat sa group stage.

Naging kampeon din ang Boys 13 squad makaraang maungusan ang Escuela La Academia FC ng Guatema- l sa isang thriller, 6-5.

Hindi nagpahuli ang Makati FC’s Girls 12/13 at Girls 14 squads.

Nakumpleto ng Girls 12/13 team ang six-match sweep sa ka- nilang division sa 5-1 panalo kontra Nord SK ng Norway, habang undefeated ang Girls 14 squad sa anim na laro, tampok ang 3-0 pag- bokya sa United States’ San Francisco Seals.

Ang Boys 11 championship ang una ng Makati FC magmula noong 2015, habang winakasan ng Boys 13 ang limang taong paghihintay sa titulo.

“A true testament to all the hard-work and perseverance of the players, coaches and the ever supportive parents and extended Makati FC family,” sabi ng chief executive officer ng koponan na si SeLu Lozano.

“What a joy to see the man who started it all, my dad (Coach Tomas Lozano), traveling back in Europe again.

Grateful to be part of his legacy creating the best program and giving the best football experience to our youth, Makati FC,” dagdag pa niya.

Susunod na sasabak ang Makati FC sa Gothia World Youth Cup, kung saan ang 47th edition ng world’s largest at most international youth football tournament ay nakatakda sa July 17-22 sa Gothenburg, Sweden.

Sa ika-38 pag- kakataon ay naroon si coach Tomas Lozano sa kumpetisyon na nagbigay sa kanya ng Hall of Fame award mula sa Gothia World Youth Cup.