BAGAMAN hindi natuloy ang implementasyon ng general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) dahil sa pagbawi nito ng Malacañang at inanunsyo ang pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ng hanggang Setyembre 15 ay nakahanda pa rin ang lungsod ng Makati sa implementasyon nito.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang lungsod ang kauna-unahang local government unit (LGU) sa Metro Manila na magpatupad ng localized o granular lockdown noon pang Marso.
Dagdag pa ni Binay na ang Makati din ang unang nagpatupad ng 14-araw na localized community quarantine (LCQ) sa Barangay Pio del Pilar noong panahon kung kailan mabilis na tumaas ang kaso ng COVID-19 pagpasok ng kasalukuyang taon.
Siniguro din ng alkalde na handa ang lokal na pamahalaan na pagkalooban ng esensiyal na pangangailangan ang mga maapektuhan ng ipatutupad na granular lockdown.
Bukod sa mga ipamamahaging food packs at libreng medisina na dadalhin sa mga kabahayan ay magsasagawa din ang lokal na pamahalaan ng house-to-house swab tests sa unang 48 oras upang malaman at ma-isolate na rin ang mga magpopositibong pasyente.
Makaraang malaman ang resulta ng mga swab test, isa o dalawang araw ay aalisin ang pagsasailalim ng lockdown sa lugar ng mga tinest na nagnegatibong indibidwal.
Ayon pa kay Binay, ang lokal na pamahalaan ay nagsimula na ring magbigay ng mga COVID-19 home care kits sa mga nagpositibong pasyente sa COVID-19 na nakaramdam ng mild na simtomas kabilang ang COVID-19 home care handbook, alcohol, oral antiseptic, sore throat spray, fever pad, medical infrared thermometer, pulse oximeter, washable at disposable face masks, vitamins, at gamot para sa lagnat.
“Bagaman nakapailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4, ang aming layunin ay tulungan ang Makatizens na maka-recover upang hindi na nila kailangan pang magpa-ospital,” anang alkalde. MARIVIC FERNANDEZ
516748 983516This is a excellent topic to speak about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. I dont think this would be the most effective to submit though. Ill take a look about your web site though and submit something else. 843087
Thanks for the concepts you share through your blog. In addition, many young women who become pregnant usually do not even attempt to get health care insurance because they are full of fearfulness they would not qualify. Although a few states right now require that insurers offer coverage in spite of the pre-existing conditions. Fees on these guaranteed plans are usually bigger, but when thinking about the high cost of health care it may be any safer strategy to use to protect a person’s financial future.
I also believe that mesothelioma cancer is a exceptional form of cancer malignancy that is typically found in those people previously exposed to asbestos. Cancerous cellular material form from the mesothelium, which is a shielding lining which covers most of the body’s areas. These cells usually form in the lining on the lungs, belly, or the sac that really encircles the heart. Thanks for revealing your ideas.