MAKATI MUNICIPAL CEMETERY IDEDEMOLIS

Makati City cemetery

IDEDEMOLIS ng lo­kal na pamahalaan ng Makati sa Oktubre 8 ang Makati Municipal Cemetery sa Kalayaan Avenue para sa konstruksiyon ng Makati City Columbarium.

Sa Facebook page ng Makati City, inabisuhan ang Makatizen kaugnay sa nakatakdang demolisyon ng nasabing  municipal cemetery at gagawin itong columbarium.

“Sa darating na Oktub­re 8, uumpisahan na ng lungsod ang demolisyon ng sementeryo at ang pagpapatayo ng Makati Columbarium upang matugunan ang pangangaila­ngan ng mga residente para sa maayos at disenteng libingan ng mga pumanaw nilang mahal sa buhay,” ayon sa FB post ng lokal na pamahalaan.

Kaya’t panawagan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na makipag-ugnayan sa Makati Health Department (MHD) para sa paglilipat ng mga namatay nilang kamag-anakan bago simulan ang paggiba ng pampublikong sementeryo sa pamamagitan sa pagtawag sa telepono na may numerong 8870-1609 o 8870-1610.

Ang MHD ay nananati­ling bukas para sa mga katanungan ng Lunes hanggang Biyernes mula ala-1 hanggang alas 5:00 ng hapon. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.