MAKATI SA MPBL SEMIS

MPBL Makati

MALOLOS – Dinispatsa ng third seed Makati-Super Crunch ang sixth-place Bulacan, 86-78, upang umabante sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan semifinals noong Sabado ng gabi sa Malolos Sports and Convention Center dito.

Bagama’t tangan ang homecourt edge laban sa Bulacan, kinailangang i-forfeit ng Makati ang kanilang bentahe dahil itinuturing ng liga, sa pamumuno ni technical committee head George Magsino, na hindi ligtas ang Guadalupe Viejo Gym para sa mga player.

“Losing the homecourt, sabi ko na we just have to stay together,” wika ni  Makati head coach Beaujing Acot.

Abante na ng limang puntos, 72-67, sinindihan ni Joseph Sedurifa ang 8-2 blast, sa pagsalpak ng isang triple bago nagdagdag si Josh Torralba ng isang  reverse.  Sinundan pa niya ito ng isang tres upang itarak ang 11-point advantage, 80-69, may 2:52 ang na­lalabi.

Isang layup ni Oliver Arim ng Kuyas sa huling 1:01 ang nagtapyas sa kalamangan sa pito, 82-75, ngunit hindi makapuntos ang Bulacan sa mga nalabing segundo bago naisalpak ni Rev Diputado ang last-ditch three para sa pinal na iskor.

“Noong last three minutes of the game, sabi ko treat the game as zero-zero kahit lamang kami by ten that time,” ani Acot.

Nagbuhos si Cedric Ablaza ng 22 points sa 9-of-17 shooting habang gumawa si Torralba ng 22 markers, kabilang ang tatlong three-pointers.

Iskor:

Makati-Super Crunch (86) – Ablaza 22, Torralba 22, Apinan 16, Sedurifa 11, Baloria 8, Atkins 3, Cruz 2, Lingganay 2, Manlangit 0, Importante 0.

Bulacan (78) – Siruma 16, Dela Cruz 12, Alabanza 11, Nermal 10, Alvarez 9, Santos 7, Capacio 4, Taganas 3, Arim 3, Diputado 3, Escosio 0.

QS: 22-25, 41-39, 65-59, 86-78.