(Makatutulong sa paghimay sa proposed 2022 nat’l budget) HOUSE PROBE SA BAYANIHAN 2

Eddie Villanueva

KAPWA binigyang-diin ng dalawang ranking members ng Kamara na mahalagang maimbestigahan ang nasa P18 bilyong pondo na hindi umano nagamit ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 2) kasabay ng gagawing pagbusisi at pag-apruba ng mga kongresista sa P5.024 trilyon na panukalang pambansang badget para sa taong 2022.

Ito’y kasunod ng pormal na paghahain ni Deputy Speaker at Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva sa House Resolution 1913, na nananawagan para masiyasat ang pagkakaroon ng ‘unutilized funds’ sa Bayanihan 2 makaraang mapaso o mawalan ng bisa nitong katapusan ng Hunyo.

“The expiration of unspent Bayanihan 2 funds simply means one thing: we deny our people of their much-needed help and assistance amidst this COVID-19 pandemic when they are already grappling to survive,” ayon sa respetadong religious leader at ranking official ng Lower House.

Bukod dito, iginiit ni Villanueva na makatutulong ang House probe sa Bayanihan 2 para mabigyan ng gabay ang mga mambabatas sa gagawing paghimay at pagpapasiya na aprubahan ang proposed 2022 national budget, na umaabot sa P5.024 trilyon.

Ganito rin ang pananaw ni dating Speaker at Taguig City 1st Dist.-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na binigyang-diin na hindi na dapat maulit ang pangyayaring may kaukulang badget na ipinasa ang Kongreso subalit hindi naman nagamit dahil lamang sa mabagal na proseso sa pag-obligate ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno.

“Pag-aralan natin ano ‘yung mga programa (sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2) na helpful para ulitin, ano ang mga hindi maganda para ‘di na ulitin, ano ‘yung hindi in-implement, at bakit hindi in-implement?” pahayag niya. ROMER BUTUYAN

7 thoughts on “(Makatutulong sa paghimay sa proposed 2022 nat’l budget) HOUSE PROBE SA BAYANIHAN 2”

  1. 160226 912326I like this internet internet site very much, Its a genuinely good billet to read and obtain info . 270042

  2. 121339 428622I dont think Ive scan anything like this before. So very good to locate somebody with some original thoughts on this subject. thank for starting this up. This website is something that is required on the web, someone with a bit originality. Excellent job for bringing something new to the internet! 510822

  3. 745258 927370I was just looking for this info for a while. After six hours of continuous Googleing, finally I got it in your site. 581263

Leave a Reply

Your email address will not be published.