INILUNSAD ng Cadbury Dairy Milk GenerosiTREE ang kanilang Christmas celebrations kamakailan sa SM Mall of Asia Music Hall. Dumalo ang celebrity guests tulad nina Ylona Garcia, Kyle Echarri, Bloggers Kimpoy Feliciano, Matt Nicolai, Jesi Corcouera, Bani Logrono, Edric Go, at Benedict Cua!
Marami ang dumalo sa masayang selebrasyon dahil tumugon sila sa himok na ipagpalit ang kanilang paboritong items sa Cadbury Dairy Milk gift packs. Bawat makikipagpalit ay tatanggap ng Cadbury gift pack bilang kanilang donasyon ang magkaroon ng oportunidad na hindi makalilimutan ng mga bata ng Joy Schools ngayong Pasko. Maraming sumali sa kasiyahan ang nagkaroon ng magandang pangyayari sa Cadbury Dairy Milk GenerosiTREE!
Walang mas makabuluhan ngayong panahon ng pagbibigayan at pamamahagi ng biyaya sa iba sa pamamagitan ng Cadbury Dairy Milk’s GenerosiTREE, at gumawa ng magandang pangyayari.
Sa Cadbury GenerosiTREE booths, lahat ng ipinagpalit na bagay sa Cadbury gift pack tulad ng laruan, libro ay ibibigay sa mga bata na kabilang sa Mondelez International’s Joy Schools Program, na naglalayon na palakasin ang mga bata sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong hakbang sa kanilang wellbeing. Inilunsad noong 2011, ipinatupad ang Joy Schools sa limang Southeast Asia countries kung saan may sangay ang kompanya kasama ang Philippines, Thailand, Indonesia, Malaysia at Vietnam. Sa limang bansang ito, namuhunan ang kompanya ng halos US$ 1 million sa pakikipag-partner sa mga komunidad para itaguyod ang malusog na pamumuhay sa ilalim ng Joy School program.
Sa Filipinas mayroong 4,500 estudyante mula sa 16 eskuwelahan sa Parañaque, Pasay, Manila, Pateros, Muntinlupa, Tacloban, Quezon City, at Marikina ang nakinabang mula sa maraming inisyatibo ng Joy School Program mula nang sila ay magsimula. May mga inisyatibo ang program para sa nutrition education, promoting active play, at magbigay ng access sa sariwang pagkain sa pamamagitan ng 9-month feeding program.
Nagbibigay ang Cadbury Dairy Milk’s GenerosiTREE, sa mga millennial ng oportunidad na magbalik-biyaya at makapagbigay ng kahulugan para sa isang bata ngayong Pasko.
Bukod sa pagboboluntaryo o simpleng donasyon ng cash, makapagbibigay ang millennials sa pamamagitan ng GenerosiTREE. Kailangan lamang gawin nila na dalhin ang kanilang laruan, libro na nasa maayos pang kondisyon sa mga itinalagang drop off points sa mga sumusunod na opisina: The Columbia Tower, V Corporate Center, CityState Center, President Tower, Pryce Center, Pacific Star, and One San Miguel from December 17 – 21.
Ang well-loved items tulad ng teddy bears, toy cars, train sets, dolls—ang mga bagay at laruan na kinagigiliwan ng mga batang may-ari nito ang binibigyan ng pagkakataon para makapagpaligaya naman sa mga bata ng Joy Schools.
Comments are closed.