MAKE UP CLASSES  SA TAAL VICTIMS

DEPED OFFICE

IPINAG-UTOS  ng  Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng make up classes sa araw ng Sabado at Linggo  sa mga eskwelahan sa Batangas, Laguna at Cavite na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa isang press conference sa  Palasyo ng Malakanyang ay sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na balik-eskuwela na ang mga estudyante simula sa Pebrero 3.

Tinatayang nasa  645,000 na estudyante ang naapektuhan ang pagpasok sa eskuwela dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Batay sa proposed modified school calendar ng DepEd para sa taong 2020, magkakaroon ng make up classes ang elementary hanggang senior high school tuwing Sabado simula sa Pebrero hanggang Marso.

Habang sa Abril 1 hanggang 6 ay magkakaron ng make up classes sa araw ng Sabado at Linggo.

Isasagawa ang final examination dates sa Grades 6 hanggang 12 sa Marso 20 hanggang 21 habang ang final examination dates sa Grades 1 hanggang 5 at 7 hanggang 11 ay gagawin sa Marso 27 at 28.

Isasagawa naman ang school year-end preparations, graduation recognition at moving up sa April 1 hanggang 6.

Kabilang sa mga inatasan na magsagawa ng make up classes ang mga eskuwelahan sa Batangas City, Lipa City, Tanauan, Cavite, General Trias City, Laguna at San Pablo City.

Dalawang linggong walang  pasok ang mga nabanggit na eskuwelahan mula nang pumutok ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020. EQ

Comments are closed.