MAKESHIFT BARANGAY HALL GINIBA

Isko Moreno

MAYNILA – WINASAK ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang isang makeshift o itinayo lamang na barangay hall sa Binondo, Manila at ginawang barracks ng mga fire volunteer na itinayo sa likod ng estatwa ng isang bayani dahil nakaharang at nakaaabala ito sa daloy ng trapiko sa lugar.

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagmaso sa konkretong barangay hall.

Dahil aniya sa paglapastangan sa  estatwa ni Ramon Ongpin na isang makabayan at pilantropo, pinangunahan nito ang paggiba sa nasabing outpost na nasa gilid lamang ng Binondo Church.

Dapat umanong  pinangangalagaan ang cultural heritage dahil ito aniya ang paalala sa mga kabataan na ang nasabing mga bayani ay nakagawa ng maganda para sa bansa, sa lungsod noong unang panahon. PAUL ROLDAN

Comments are closed.