MAKIISA TAYO SA SELEBRASYON NG PCIM!

INIHAHANDOG  ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Department of Trade and Industry (DTI), kasama ang iba pang mga grupo, ang isang bahagi ng selebrasyon ng kauna-unahang Philippine Creative Industries Month (PCIM). Ito ay magkakasabay na palihang pampubliko na gaganapin ngayong ika-17 ng Setyembre sa Rizal Park (Luneta Open Air Auditorium) mula alas-2 hanggang alas-5:30 n.h. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Celebrating Filipino Creativity, Advancing Creative Philippines”.

Ang mga palihang magaganap ay sa larangan ng Audio Visual Media, Digital Interactive Media, Creative Services, Design, Publishing and Printed Media, Performing Arts, Visual Arts, Traditional Cultural Expression, at Cultural Sites. Bukas sa publiko at libre ang mga ito, kailangan lamang na mag-register sa pamamagitan ng link na matatagpuan sa Facebook page ng NCCA.

Ilan sa mga palihan na magaganap ay ang mga sumusunod: How to start your own blockchain game project, Shoemaking, Parol making, Jewelry making, T-shirt printing, Basic comics, Song writing, Theater acting, Dance, Puppetry, Painting, Basic Photography, Baybayin, Ilocos empanada making, Traditional weaving demo, Events management, Book selling, Pottery, Pabalat and puni making, Papercraft, at iba pa.

Ang ilan sa mga facilitators ay ang Metatokyo, Batangas State University, Knowledge Channel Foundation, Inc., Barasoain Kalinangan Foundation, Inc., Samahan ng mga Papetir ng Pilipinas, Odang Putik Pottery, Federation of Philippine Photographers of the Philippines, at sina Rustico Limosinero, Joey Ayala, Nanding Josef, Shirley Halili-Cruz, Egai Fernandez, at marami pang iba.

Isang palihan lamang ang maaaring daluhan ng bawat kalahok. Lahat ng sasali ay makakatanggap ng certificate of participation.

Ang unang 30 kalahok ay makakatanggap ng workshop kits. Ito ay pagdiriwang ng pagkamalikhain ng Pinoy, kaya’t inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagtitipong ito.