Maraming mga magsasaka ang makikinabang
sa rice tariffication na isinabatas kamakailan.
Mga modernong kagamitan at kasangkapan,
mas magagamit na sa paglinang sa mga kabukiran!
Sa pahayag ng Philmech o Philippine Center for Postharvest
Development and Mechanization…
Natukoy na nito ang mga lalawigan, bayan at nayon…
Pagkakalooban ng mga makinarya sa sandaling taripa sa bigas ay maipon.
Naglaan na ang Philmech ng halagang tatlumpung bilyong piso,
pambili sa mga makinarya para sa bukid sa iba’t ibang distrito.
May traktora, treshers, dryers at transplanters na mga bago,
magagamit sa mabilis na pagtatanim at pag-aani sa bukid mang malayo.
Ang taripa na makokolekta sa inaangkat na bigas,
gagamitin at magsisilbing Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Ito ay para makasabay ang magsasaka sa angkat na ibinebenta nang mura,
lalakas ang kanilang produksiyon sa tulong ng mga bagong makinarya.
Gayunman… ang Philmech ay may paalala at pakiusap…
Sa mga magsasaka na sa mga makinarya ay tatanggap.
Panatilihing maayos ang materyales upang mapakinabangang ganap
Matagal na magagamit sa pagsasaka ay magpapaunlad.
Ang mga kooperatiba at samahang magsasaka…
Sila ang mga mangangalaga sa mga modernong makina
Tuturuan din dapat nila ang mga magsasaka…
Sa pagsapit ng kinabukasan at maging kanilang tagapagmana!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.