Kapag sinabing fit and healthy, may abilidad ang tao na mag-exercise na walang nararamdamang anumang sakit sa katawan, liban sa konting muscle pains na kayang kaya naman natin. Ibig sabihin, ang state of well-being ng isang tao ay akma, or in harmony, sa physiological system.
Sabi nila, mas masaya raw ang tao kapag summer. Kasi naman, sunshine makes us happy, at ang init, maganda ito sa katawan kako na sa ating lungs. Mas matagal tayong nakakapagpaaraw kaya nakakakuha tayo ng sapat na vitamin D habang nakikipaglaro sa kalikasan.
Magandang libangan ang gardening. Pwede rin ang swimming sa dagat – kahit pa sa pool lamang. True, mangingitim ang balat mo, pero so what? Healthy ka naman.
Kailangang kailangan natin ang exercise tuwing mainit ang panahon. Umiinit ang laman kaya nagiging mas elastic ito, kaya kahit masugatan ka ng konti – huwag lang yung umiinom ka pala ng pampalabnaw ng dugo – mas madaling gagaling ang sugat, lalo pa at nahuhugasan ito ng tubig-alat.
Mahalagang maging malusog lalo na kung tag-araw, kaya kailangan natin ng regular physical activity araw-araw.
Halimbawa ako, pagbibisikleta ang regular physical activity ko. Yung iba, swimming. Pwede ring jogging o kahit pa brisk walking. Pumili ka na lamang. Kung physically active kasi ang tao, mas napapabuiti ang brain health, nababawasan ang timbang, nakakaiwas sa sakit, lumalakas ang buto at muscles at mas nagagawa mo ang gusto mo – kasi nga, healthy ka. Sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, hahaba ang buhay ng tao. Isa pa, masarap ang pakiramdam ng taong malusog, dahil lagi siyang aktibo.
Kung hindi ka healthy noong 2023, siguro, napapanahon na para ayusin mo ang iyong mga prayoridad ngayong 2024. Summer na. Yakapin mo ang buhay-outdoor. Kung pwede nga, magplano ka ng fitness activities na mag-i-enjoy ka.
Huwag mo nga palang kalilimutang uminom ng maraming tubig para lagi kang hydrated, at gumamit din ng sun protection dahil sa totoo lang, sobra ang init ng panahon ngayon.
Kung gusto mo namang mag-diet, mag-set ka ng realistic goals. Halimbawa, goal mo na pumayat ng kalahating kilo bawat linggo – pwede yon!
Kung may makukuha kang jogging buddy o swimming budy, mas mabuti. Mababantayan nyo kasi ang development ng isa’t isa. Find an accountability partner. Magkaroon kayo ng maayos na routine na swak sa schedule ninyong dalawa para nasusunod ninyo ang schedule. Kung pwede nga, ilista ninyo ang inyong progress para malaman ninyo kung may nangyayari bas a inyong fitness plan o wala.
Pero, stay mindful and listen to your body. Kapag nakaramdam ka ng pagod, magpahinga. Kapag inaantok ka, matulog. Kung nagugutom, kumain – pero huwag sobra. Kapag nauuhaw, uminom. Alam ng katawan mo kung ano ang mga pangangailangan mo at ibubulog ito sa’yo ng iyong utak. NLVN