Makuha ka sa tingi

May proyekto ang Quezon City at San Juan City sa Mrtro Manila, na posibleng maging solusyon sa lumalalang polusyon sa kanilang lugar dulot ng mga maliliit na plastic na bumabara sa mga imburnal na daluyan ng tubig baha.

Ito ang tinawah nilang Kuha sa Tingi project na naglalayong magtatag ng refill systems sa mga komunida. Sinimulan na ito sa San Juan City noong 2022 at Quezon City noong 2023, na nagresulta sa pagkawala ng libo-libong tonelada ng single-use plastic packaging, at naging sanhi rin ng pagtitipid ng mga consumers. Nakadagdag rin ito ng kita sa mga sari-sari store owners na nagsilbing mga refilling model.

Ito ay proyekto ng Greenpeace Philippines project sa pakikipagtulungan ng Innovation Catalyst at ng Quezon City at San Juan City governments.