MAGIGING makulay at magarbo ang opening ceremony ng 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bagong state-of-the-art New Clark City, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Chief of Mission William ‘Butch’ Ramirez.
“The SEA Games is much different compared to three previous competitions because the opening ceremony with President Rodrigo Duterte as guest of honour has all the ingredients of colourful pageantry and number of presentations,” sabi ni Ramirez.
“Athletes, coaches, delegation heads and foreign dignitaries will like and enjoy watching the opening ceremony, and see for the first time the physical features of the modern sports complex,” wika ni Ramirez.
Nagpalabas ang pamahalaan ng P6 billion para masiguro ang tagumpay ng 30th edition ng SEA Games na idaraos sa bansa sa ika-4 na pagkakataon, ang tatlong nauna ay noong 1981, 1991 at 2005.
Ayon kay Ramirez, maraming makakapanood sa opening ceremony dahil malaki ang capacity ng bagong sports complex hindi tulad sa tatlong naunang edisyon na kaunti ang nakapanood dahil maliit ang Rizal Memorial Sports Complex kung saan ginawa ang opening ceremony sa Track and Field oval.
Pinaayos ni Ramirez ang mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex dahil ang ibang sports ay gagawin sa makasaysayang sports arena, kabilang ang gymnastics, tennis, soft tennis at wushu.
Tatagal ang renovation ng apat na buwan, tamang-tama sa pagsisimula ng biennial meet.
“We renovate and refurbish the facilities because some of the sports will be played at the Rizal Memorial Sports Complex,” ani Ramirez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.