Upang maibalik ang Tikog weaving industry at isulong ang economic growth sa Loreto, Dinagat Islands, nakipagpartner ang Department of Trade and Industry (DTI) sa gobyernong local (LGU) ng Loreto upang magsagawa ng tatlong araw na Enhancement Training sa Tikog and Buri Products kamakailan sa Negosyo Center ng Sta. Cruz, Loreto, probinsya n Dinagat Islands.
Idinisenyo ang training sa mga babaing manghahabi ng Loreto na nagnanais na malaman ang masalimoot na Tikog and Buri product development. Ang training ay sa kooperasyon ng DTI at LGU Loreto Municipal Tourism Office, na naglalayong suportahan hindi lamang ang local tourism kundi upang palaganapin din ang pamana ng Dinagat Islands sa pamamagitan ng preserbasyon at promosyon ng Tikog and Buri weaving.
Ganap na naunawaan ng mga participants ang lahat dahil sa hands-on experience nila sa lahat ng aspeto ng Tikog and Buri product development, mula sa paghahanap ng raw materials hanggang sa processing and product development. Sa pamamagitan ng interactive sessions on weaving, dyeing, at finishing techniques, natutuhan ng mga participants ang dapat nilang malaman pati na ang skills na kailangan upang mas mapaganda ang kalida ng produkto at mapabilis din ang productivity. NLVN