MAKUPAD NA OPISYAL ISASABAY NI DUTERTE SA PAGBABA

NAGBABALA  si Pangulong Rodrigo Duterte na isasabay niya pagbaba sa puwesto ang mga kukupad kupad na opisyal at kawani ng gobyerno.

Ilang buwan bago matapos ang termino, muling iginiit ng Pangulo na ayaw niya sa red tape at pabalik balik na proseso ng pamahalaan.

Aniya, maraming computer at iba pang office equipment ang kanyang binili para mapabilis ang proseso sa mga tanggapan ng gobyerno kaya umaasa ito na mayroong magandang pinatutunguhan.

Umaasa ang Pangulo sa pagbaba niya sa puwesto ay magiging simple na lamang ang kanilang transaksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ipinunto ng Pangulong Duterte na sa anim na taon niyang panunungkulan, nasa anim na gabinete na sa ngayon ang kanyang sinibak sa puwesto dahil sa kabiguan na sumunod sa utos. BETH C