MALABON MAGHIHIGPIT SA OPLAN KALULUWA

MAHIGPIT na ipatutupad ng Malabon local government unit (LGU) ang pagbabantay sa lahat ng sementeryo sa lungsod bilang pagtalima na pagpapatupad ng seguridad ng mga residente kontra sa COVID-19.

Sa bisa ng Executive Order No. 21-10-06-030, pansamantalang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa Lungsod ng Malabon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Mananatili itong bukas hanggang Oktubre 28 para sa mga nais bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Papayagan lamang ang pagbisita sa sementeryo mula ika-6 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga at mula ika-2 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi.

Hanggang tatlong tao lamang sa isang pamilya ang puwedeng pumasok sa sementeryo sa limited public visitations.

Bawal isama kapag 17-anyos pababa at 65-anyos pataas.

Sa limited public visiation (Oktubre 15-28), 300 katao lamang ang papayagang pumasok sa loob ng sementeryo kada shift para sa physical distancing.

Mahigpit na ipatutupad ang No Face Mask, No Face Shield, No Entry policy at kailangan din magdala ng valid ID.

Ipinagbabawal ang pagdadala ng kutsilyo, cutter o anumang matalim na bagay, radyo, loud speakers, blueetooth speakers, gasoline, lighter fluid, o iba pang bagay na maaaring magsimula ng sunog at alak at iba pang nakalalasing na inumin. VICK TANES

2 thoughts on “MALABON MAGHIHIGPIT SA OPLAN KALULUWA”

Comments are closed.