Malabon, Venice ng Pilipinas

KAPAG  narinig mo ang Malabon, una mong maiisip ang pancit, dahil sikat sila sa Pancit Malabon, bukod pa sa kanyang Atlantic ambience. Ipinagmanalaki rin nila ang iba pang kakanin, tulad ng puto sulot, puto bumbong, sapin-sapin, broas, bibingka ay camachile. Marami talaga silang maipagmamalaking pagkain dahil iyon ang kanilang specialty.

Hindi siya kasing popular ng iba pang siyudad sa Metro Manila tulad ng Quezon City, Makati City, Taguig City at Maynila, ngunit mayaman siya sa kasaysayan at mga pangyayari.

Una nating tinalakay ang masasarap na pagkain, at syempre, ang fish area. At mayroon pang ibang dinarayo ng mga turista.

Kahit bahagi ang Malabon ng Metro Manila, nanatili sa siyudad na ito ang tinatawag na provincial ambiance.

Mayroon silang sense if community, diverse cultural influences at commitment upang ipreserba ang makalumang Malabon.

Matatagpuan ito sa dakong Norte ng Metro Manila. Itinatag bilang “pueblo” noong May 21, 1599 masasabing isa ang Malabon sa mga matatandang bayan sa Pilipinas. Kumuha ang pangalan nito sa halamang “balon” o water hyacinth o water Lily, na napakarami sa Malabon hanggang ngayon.

Sikat rin nga pala ang Malabon bilang “Fish capital of the Philippines.” Dahil malapit ito sa Manila Bay at coastal areas, fishing industry ang kanilang ikinabubuhay. Sila ang nagsusuplay ng isda sa local at international market.

Marahil, ito ang dahilan kung bakit napakasarap ng kanilang pancit Malabon, na ang toppings at sariwang seafoods.

Bukod diyan, ipinagmamalaki rin nila ang magaganda nilang simbahan, Kasama na ang San Bartolome Church na itinayo noong panahon ng Kastila, at ang Immaculate Concepcion Parish Church na pinagdarayo dahil sa kanyang architectural beauty.

Masasabing ang Malabon ay melting pot ng iba’t ibang kultura na may impluwensya ng Chinese, Spanish at Filipino na pinagsama-sama, na nakalikha ng kakaibang tradisyon at kultura na wala sa ibang Lugar na Pilipinas. Kahit ang sikat na pancit Malabon ay pinaghaling Chinese, Spanish at Filipino cuisine.

Mayroon silang tinatawag na “Halaran Festival”, na isinasagawa kung Disyembre. Hindi ito gaanong sikat dahil katulad lang ito ng ibang festival na may street dancing at parada. Ngunit kakabugin naman ng Malabon ang shoe industry ng Marikina, dahil handmade ito at bawat sapatos ay walang katulad. High quality rin ito, kaya medyo mahal.

May konting problema lang sa Malabon. Madali itong bahain at matagal humupa ang baha. Kaya ginawa nilang parang Venice, Italy ang lugar, kung saan ang mga estero ay dinadaanan ng bangkang naghahatid sa mga pasahero.

Oo nga pala … Maraming mahuhusay gumawa ng paso, tapatan at banga sa Malabon, gamit pa rin ang makalumang paraang ipinamamana nila sa kanilang mga anak at apo. Mahilig din silang kumanta at sumayaw, at suportado ng local government Ang kanilang mga local artists.

Siyanga pala, mayroon silang Malabon Zoo na itinayo upang pangalagaan ang mga endangered species na hayop.

Mayroon din silang Tugatog Historical Marker, kung saan inaalala ang mga Filipino na lumaban sa mga Kastila noong panahon ng rebolusyon.

Napakarami pang magagandang bagay na maaaring sabihin tungkol sa Malabon ngunit kapos na ang espasyo. Mabuti pa’y bumisita na lang kayo. RLVN