KORONADAL CITY-ANIM na magkakamag-anak ang nasawi nang sumalpok ang sinasakyan nilang van sa cargo truck sa Barangay Esperanza sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga nasawi na sina Nora Amular, 48-anyos; Lilibeth Gepolungca Amular, 52-anyos; Roger Amular, 48-anyos; Dhen Allen Amular, 10-anyos; Ricky Gepolungca, 45-anyos, at Khyn lester Gepolungca, 15-anyos na pawang mga residente ng Barangay Dukay, Esperanza, Sultan Kudarat.
Habang ang siyam na mga sugatan ay agad dinala sa pinakamalapit na ospital kabilang na ang driver at pahinante ng cargo truck.
Nabatid na pauwi na sa kanilang lugar mula sa General Santos City matapos mag-night swimming ang mga biktima nang pagdating sa bahagi ng boundary ng Dukay at Laguinding sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat ay nakasalubong ng mga ito ang cargo truck.
kasabay nito, nananawagan ng tulong ang pamilya ng mga biktima sa pagpapalibing sa mga ito at gastos na rin sa ospital sa mga patuloy pa na ginagamot sa ngayon.