MALAKANYANG NAGBIGAY NG TULONG SA OFWs NA MAY COVID SA HK

NAGBIGAY  ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Overseas Labor Ofiice (POLO) sa Hong Kong sa mga OFWs na dinapuan ng COVID-19.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang POLO ang agarang nagbigay ng tulong sa mga OFW tulad ng pagkain, hygiene kits at power banks habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health protection at HK Labour Department.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang POLO sa non-government organization upang magbigay ng isolation facility para ma- accomodate ang ilan pang OFWs.

Nakikipag-ugnayan din ang POLO sa HK Labour Department kung saan nagtayo ng isolation facility para sa mga kababayang Filipino, maliban pa sa pagbibigay ng transportation arrangements.

Samantala, magbibigay naman ng tulong ang OWWA para sa bawat OFW na COVID-19 positive. DWIZ882