MALAKANYANG NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NI PAL HOLDINGS PRESIDENT BONG TAN

BONG TAN

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilyang naulila ni Lucio “Bong” Tan Jr., president at chief operating officer ng PAL Holdings Inc.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, si Tan, na anak ni taipan Lucio Tan na pang-anim na pinakamayamang Filipino sa listahan ng Forbes magazine na may net worth na 3.6 bilyong dolyar, ay isang mabait na anak, kapatid at corporate man.

Pumanaw sa edad na 53 si Tan matapos mag-collapse habang naglalaro ng basketball noong nakaraang weekend.

“The Office of the President expresses its deep condolences and heartfelt sympathies to the Tan family,” sabi ni Panelo.

Personal   na kilala ni Panelo si Tan na aniya’y isang mapagpakumbabang tao na seryoso ang mukha, subalit may laging baon  na ngiti sa sinumang kanyang nakakasalamuha sa social events at official functions na dinadaluhan niya.

“Given his social stature, he never threw his weight around and always ready to lend his hand to everyone who approached him for assistance. He was a good friend, a kind-hearted brother to his siblings, a loving and dutiful son to his parent, and an efficient and competent corporate man,” sabi pa ni Panelo.

“As family, friends and colleagues pay tribute to the life of Mr. Bong Tan, we fervently ask the Almighty to grant him eternal repose and pray that perpetual light shines upon him as he rests in happiness and peace,” dagdag pa ni Panelo.

Si Tan ay pumanaw isang araw makalipas na sumakabilang buhay   ang business tycoon na si John Gokongwei Jr. sa edad na 93 anyos. Si Gokongwei, ay pumapangatlo sa listahan ng mga pinakamayamang Filipino na may net worth na 5.3 bilyong dolyar. EVELYN QUIROZ