MALAKANYANG NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA GOKONGWEI

Malakanyang

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Mala­cañang Palace sa pamilya ng business tycoon na  si John Gokongwei Jr.

Sa isang  pahayag ay kinilala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si Gokongwei bilang isa sa mga leading Taipans at haligi ng ekonomiya ng Filipinas.

Binanggit ni Panelo ang itinayong cornstarch plant ni Gokongwei noong 1957 na naging isa sa mga leading pillars sa industriya ng pagnenegosyo.

Aniya, karapat-dapat tularan ng kasalukuyan at susunod pang mga henerasyon ang iniwang legasiya ni Gokongwei sa bansa.

Si Gokongwei  ay  93 anyos.

Ayon sa anak ng business tycoon na si Lance, payapang pumanaw ang kanyang ama dakong 11:41 ng gabi ng Sabado.

“Our beloved husband, father and grandfather John Gokongwei Jr. passed away peacefully 11:41 pm, November 9th at the Manila Doctor’s Hospital surrounded by his loved ones,” pahayag ni Lance Gokongwei.

Si Gokongwei  ang pangatlong pinakama­yaman sa bansa na ayon sa Forbes magazine ay may net worth na $5.3 billion para sa taong 2019.

Hindi ibinigay ng pamilya ang detalye  sa pagkamatay ni Gokongwei.

Naulila nito ang  kabiyak na si Elizabeth at mga anak na sina Lance, Robina, Liza, Faith, Hope at Marcia at kanyang mga apo.

Bago  ang kanyang kamatayan ay naipasa na  ni Gokongwei  sa anak nitong si Lance ang pamamahala sa JG Summit Holdings.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *